TINIYAK ni Sen. Bongbong Marcos na itutuloy ang pagdinig sa Bangsamoro Basic Law (BBL) kapag nagkaroon ng linaw ang nangyari sa Mamasampano, Maguindanao na ikinamatay ng 44 na miyembro ng Special Action Force (SAF) sa engkwentro nito sa MILF.
Nitong Lunes, iginiit ni Marcos, chairman, Senate committee on local government na dapat maibalik ang tiwala sa isa’t isa ng gobyerno at MILF bilang patunay na handa na sa isinusulong na pangkapayapaan sa Mindanao.
Aniya, bilang patunay, dapat na ibalik ng MILF ang mga armas at iba pang personal na gamit ng tinaguriang ‘Fallen 44.’ Isuko din ang mga armas ng MILF at isurender ito sa 3rd party o sa gobyerno at hindi sa kanilang mga commander.
“They must also identify the commanders whose unit where involved in the massacre of our at SAF,” saad pa ng solon at tanungin kung paanong humantong sa madugong labanan noong Enero 25, 2015.
Isa din aniya sa pinakamagandang magagawa ng MILF ay ang ipaliwanag ang tunay na relasyon ng MILF at BIFF.
“Because if the BIFF is continuing to fight the government, then we cannot have peace,” giit pa ng solon.
Sa ngayon, naninindigan si Marcos na ‘hold’ muna ang nalalabing pagdinig sa BBL. LINDA BOHOL
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment