Saturday, February 28, 2015

Maja Salvador, maraming patataubin!

HINDI siya star of the first magnitude na maituturing pero marami ang nagpapalagay na isa si Maja Salvador sa magtatagal nang deka-dekada sa industriya. Meaning, hindi flash in the pan ang kanyang beauty kundi gifted with veritable staying power to boot.


Sa dinami-rami kasi ng mga artista natin sa kasalukuyan, she’s but one of the few who’s versatile enough to withstand the test of time, along with the erratic, ever-changing trends in the business.


Look at this: dati’y horribly off-key talaga siya at masasabing a veritable nightmare the very moment she opens her mouth and starts to sing a line or two.


But with sheer will power and the kind of dedication that great artists are inordinately gifted with, she has come up with an album no less and is one of the country’s much sought-after artist/performers.


As an actress, she’s the paradigm of versatility.


Inasmuch as she’s leading actress material, she’s been able to prove her innate versatility by way of delineating varied roles that’s the exact opposite of her real personality.


Honestly, yakang-yaka ni Majang magpaka-demonyita at gawing miserable ang buhay ng lead actress ng isang soap o pelikula man.


One moment, she’s capable of tearing your heart apart with her symphatetic delineation of a role, only to make you inordinately hate her guts the next. Hahahahahahahahaha!


Indeed, her acting virtuousity is unequalled and is greatly feared in this business where mediocrity abounds. Hahahahahahahahahaha!


Ayaw ni Chakita nang ganyan! Hakhakhakhakhakhakhak!


Anyway, this early, her forthcoming soap Bridges of Love with Jericho Rosales and Paulo Avelino at ABS-CBN is already much-awaited because of its sheer intensity.


Pagsama-samahin mo ba naman ang thespic talents nina Echo, Paulo at Maja, what would you expect but smoldering fire and riveting acting virtuousity.


No wonder, pinalitan dito ang isang aktor na kulang pa ang depth sa acting.


For how could you compete with the likes of Echo, and Maja who are ‘lamoneros’ on cam without meaning to? Hahahahahahahahaha!


Still on Maja, nag-renew na naman siya ng isa niyang endorsement, ang Sisters Sanitary Napkins and Pantyliners. “Tama lang ang naging desisyon naming muling kunin si Maja,” asseverates Mrs. Aileen Go.


“Perfect siya sa product namin. For one, we trust her capacity and capability bilang grown-up girl at bilang isang aktres.


“We salute her simplicity and attitude na hinahanap talaga namin sa isang endorser. Napaka-adorable niya at sobrang mahal niya ang kumpanya. Magaan din siyang katrabaho at wala kang maririnig sa kanya all the time.


“Abutin man ng madaling-araw ang shoot,” she adds further, “smile pa rin siya.


“Maja’s so professional that’s why she’s so blessed in her career.”


COCO MARTIN, MAKIKISAYA SA MGA KAPAMILYA SA PANAGBENGA FESTIVAL


Aakyat ng Baguio City ang Teleserye King na si Coco Martin kasama ang iba pang naglalakihang ABS-CBN stars para makipagdiwang kasama ang Kapamilya fans na dadalo sa taunang engrande at makulay na Panagbenga Festival.


Gaganapin ang “Panagbenga Kapamilya Karavan” ng ABS-CBN Regional sa Marso 7 (Sabado) sa ganap na alas-kwatro ng hapon sa Melvin Jones Grandstand sa Burnham Park.


Bukod kay Coco, tampok rin sa programa sina Zanjoe Marudo, Jana Agoncillo, at Beauty Gonzales ng Dream Dad; Jane Oineza, Jerome Ponce, Loisa Andalio, at Joshua Garcia ng Nasaan Ka Nang Kailangan Kita; at Nash Aguas, Alexa Ilacad, at Ella Cruz ng Bagito. Manghaharana at magpapakilig naman sa mga kababaihan ng Summer Capital of the Philippines ang patok na pop boyband ng Star Music na Gimme 5, na binubuo nina Nash, Joaquin Reyes, John Immanuel Bermundo, Grae Fernandez at Brace Arquiza.


Ang “Panagbenga Kapamilya Karavan” ay magsisilbing simula ng year-long celebration ng ika-20 anibersaryo ng ABS-CBN Baguio na pinamagataan nilang Taon ng Pasasalamat.


Bukod sa espesyal na pagbisita ng ilan sa pinakamalalaking bituin ng ABS-CBN, isa rin sa highlight ng pagdiriwang ang “PINASikat” segment, ang talent search na magtatampok sa angking galing at talento ng mga Kapamilya sa Northern Luzon.


Kasamang makikipagdiwang sa “Panagbenga Kapamilya Karavan” ang hosts ng programa na sina “MagTV Atin ‘To” presenter Kiko Villalba at MOR 103.1 Bagiuo DJs na sina Juan Romantiko, JBrosas, BongBastic, Magic Chan at Grasya Pantasya.


Ang “Panagbenga Kapamilya Karavan” ay hatid sa Kapamilya fans ng ABS-CBN Regional (unang nakilala bilang ABS-CBN Regional Network Group), ang nationwide TV at radio network ng ABS-CBN Corporation.


Para sa iba pang balita at kwento mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas, mag-log on lamang sa www.abs-cbnnews.com, www.choosephils.com, at www.iwantv.com.ph


MEGA-SCARED ANG PRALALING!


Hahahahahahahaha! Mega scared ang cheap na pralaling ng isang politician dahil baka raw may-I-sulot namin ang kanyang protege. Hahahahahahahahaha!


Kailan naman kaya ako nagkaroon ng image na sulutero, aber?


I know how it feels when somebody takes your main source of bread and butter away from you, why, the hell, should I do that? Hahahahahahahahahaha!


Pero mega afraid nga ang tabachingching na pralaling kaya mega bakod sa kanyang talent.


Mega bakod daw sa kanyang talent, o! Hahahahahahahahaha!


Da height of kacheapan and insecurity ever. Hakhakhakhakhakhakhak!


Imagine, lahat na yata ng reporters ay na-invite na sa bailiwick ng kanyang grasyosong talent pero ako itong kapwa Bikolano ng kanyang alaga pero never niyang naimbitahan.


Yuck!Yuck!Yuck!


Ayaw ni Bubonika nang ganyan! Hahahahahahahahahahaha!


Hay, naku, lola, be at peace. (Be at peace raw talaga, o! Harharharhar!)


I don’t have the slightest of interest to grab your filthy rich client away from you ever.


Sa ‘yong sa’yo na lang siya. Isaksak mo sa baga mo, buti pa.


Buti pa raw talaga, o! Hahahahahahahahaha!


***

Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at pete_ampoloquio@yahoo.com and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.


And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong! DAPAT LANG!/PETE G. AMPOLOQUIO, JR.


.. Continue: Remate.ph (source)



Maja Salvador, maraming patataubin!


2 Gold Medals, nasungkit ng Heavy Bombers

KUMALAWIT ng dalawang gold medals ang Jose Rizal University sa 90th NCAA track & field competition na ginanap sa Philsports Arena sa Pasig City kahapon.


Humablot ng gold si Mark Harry Diones sa jump, 7.27 meters habang si Jhon Albert Mantua nangibabaw sa mint discuss throw, 39.94 para maagang pangunguna ng Heavy Bombers.


Ang 22-anyos na si Diones na nag-umento sa kanyang bronze medal finish nakaraang taon ay inaasahang magpapasiklab pa sa kanyang huling season sa Kalentong-based school.


“I just want a graceful exit before I graduate next month,” ani 5-11, Diones na taga-Libmanan, Camarines Sur.


Nasa pangalawang puwesto naman ang teammate ni Diones na si Domingo Cabradilla, Jr., nakuha niya ang silver kung saan ay siya ang gold nakaraang taon.


Si Thom Jasper ang kumuha ng bronze para sa Perpetual Help.


Umariba si Mantua sa heaved, 39.94m para talunin si Carlo Caong (39.24) at Ryan Kenneth Penao (38.11).


“So far, so good,” saad ni Jose Rizal’s Management Committee representative Paul Supan.


Nagpasikat din si St. Benilde’s Anfernee Lopen matapos panatilihin ang kanyang pamamayagpag sa 100-m dash, 10.83 seconds, pinaluhod niya sina San Sebastian’s Jomar Udtohan (11.00) at Daniel Noval (11.14).


Sa juniors division, sina Emilio Aguinaldo College’s Kenneth Paul Rafanan ay nagwagi sa discus throw, 39.04, Jonel Gobotia sa 2000-m steeplechase, 6:23.42 at Ryan Ornales sa long jump, 6.79m habang si Ezra Gonzales ng San Beda ang nanaig sa 100ms, 11.35. ELECH DAWA


.. Continue: Remate.ph (source)



2 Gold Medals, nasungkit ng Heavy Bombers


Teenager binoga ng tandem, kritikal

NASA kritikal na kondisyon ngayon ang isang babaeng teenager nang barilin ng riding-in-tandem kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.


Nilalapatan ng lunas sa San Juan de Dios Hospital ang biktimang kinilalang si Roshyaide Mendoza, 15, ng Tramo St., na naturang lungsod sanhi ng tama ng bala sa ulo.


Ayon sa imbestigasyon ni SPO2 Genomar Geraldino, naganap anmg insidente dakong 3:14 ng umaga sa kanto ng Tramo at Celeridad St., Bgy. 103 Zone 11, Pasay City.


Sa ulat, ang biktima kasama ang isang Monica Bauitis, 18, ay magkaangkas sa isang scooter na minamaneho naman ng isang John Angelo Tenco, 16, sa Tramo St.


Pagsapit sa Celeridad St., nilagpasan ng mga suspek ang motorsiklo ng mga biktima at pinagbabaril ang kanilang target.


Makaraan ang pamamaril, tumakas patungong Arnaiz Ave. ang mga suspek habang dinala naman sa Pasay City General Hospital ang biktima para lapatan ng lunas.


Pinaghahanap na ngayon ng mga pulis ang mga suspek. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Teenager binoga ng tandem, kritikal


Malupit na mister, ipinakulong ni misis

KASONG paglabag sa RA 10591 o illegal possession of firearm ang nakatakdang isampa ngayon laban sa isang mister matapos saktan at takutin ng putok ng baril ang sariling mga anak sa Tiaong, Quezon.


Nabatid na nagtungo sa pulisya si Sheryl Abril upang idulog ang problema niya hinggil sa kanyang asawang si Edwin Abril.


Ngunit hindi pa man naisasalaysay ang buong pangyayari ay nakatanggap na ng tawag ang biktima mula sa kanyang pinsan na nagsusumbong hinggil sa umano’y pananakit ng kanyang asawa sa kanilang mga anak.


Maliban sa pananakit sa mga bata ay tinakot pa umano ng suspek ang mga biktima sa pamamagitan ng pagpapaputok ng baril.


Bunsod nito, agad na tinungo ng mga pulis ang bahay ng biktima na nadatnan ang suspek at nakuha sa kanya ang isang cal. 38 na baril. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Malupit na mister, ipinakulong ni misis


Palasyo tikom sa house arrest ni Enrile

TIKOM ang bibig ng MalacaƱang sa hirit ng ilang mambabatas na dapat na isailalim sa house arrest si dating Senate Minority Leader Juan Ponce-Enrile dahil sa karamdaman nito.


Kung maaalala, naka-confine ngayon si Enrile sa Makati Medical Center mula sa hospital arrest sa Camp Crame dahil sa kaso na may kaugnayan sa pork barrel scam matapos na lumalala ang sakit na pneumonia.


Giit ni Presidential Deputy Spokesperson Abigail Valte, hindi pa naman ito natalakay sa kanila ng Pangulong Nonoy Aquino kung ano ang kanyang posisyon.


Gayunman, ang naturang usapin ay korte pa rin ang magdedesisyon sa huli.


Samantala, iniulat ni dating Rep. Jack Enrile, wala ng lagnat ang kanyang ama at wala na ring dugo kapag ito’y umuubo.


Sinabi nito na nanumbalik na ang lagay ng kalusugan ng kanyang ama dahil kumakain na ito ng normal.


Dagdag pa ng nakababatang Enrile, noong Enero pa iniinda ng kanyang ama ang pagkakaroon ng lagnat at sipon dahil na rin sa pabago-bagong panahon.


Samantala, nagpasalamat naman ito sa mga mambabatas na sumusuporta na i-house arrest na lang ang senador dahil sa katandaan at problema sa kalusugan. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Palasyo tikom sa house arrest ni Enrile


Sen. Bong, nais dumalaw sa anak sa ospital

HILING ng kampo ni Senador Ramon “Bong” Revilla, Jr., sa Sandiganbayan na payagan madalaw ang anak na si Cavite Vice Gov. Jolo Revilla matapos umanong aksidenteng mabaril ang sarili noong Sabado ng umaga habang nililinis ang baril nito sa kanilang tahanan sa Ayala Alabang.


Ayon kay Atty. Ramon Esquerra abogado ni Revilla, inihahanda na nila ang legal na hakbang upang pormal na payagang bumisita ang senador sa Asian Hospital and Medical Center sa Muntinlupa City na naka-confine ang bise gobernador.


Sa kasalukuyan ay nakadetine ang senador sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame dahil sa pagkakasangkot sa kontrobersiyal na multi-billion peso pork barrel scam.


Itinakbo si Jolo sa hospital pasado alas 9:00 ng umaga kahapon, Sabado.


Agad naman na dumating sa hospital ang ina nitong si Cong. Lani Mercado Revilla at tiyuhing si Mayor Strike Revilla.


Sinasabi ring ang paghihiwalay nila ng nobyang si Jodi Sta. Maria ang nagtulak kay Revilla para wakasan ang buhay.


Nananawagan naman ang pamilya Revilla na ipagdasal si Jolo para sa tuluyang paggaling nito. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Sen. Bong, nais dumalaw sa anak sa ospital


UPDATE: Sunog sa QC, mahigit 26 pamilya nawalan ng bahay – BFP

UMABOT na mahigit 30-oras ang sunog na tumupok sa pitong-palapag na commercial building sa Araneta Ave., Quezon City.


Ayon kay Quezon City Fire Marshal Supt. Jesus Fernandez, nasa 26 na pamilya o katumbas ng halos 80 katao ang nawalan ng bahay dahil sa pangyayari.


Sinisiyasat na ang impormasyong sinadya ang sunog dahil sa away ng magka-live-in sa nasabing barangay.


Sa ulat ni Fernandez, imbakan ng thinner at pintura ang gusali kaya tumagal ang sunog.


Umabot ito sa task force Bravo na ginamitan na ng aqueous film forming foams ang tubig upang tuluyang maapula ang apoy.


Bagama’t wala namang namatay sa insidente, nalapnos naman ang mukha ni SFO 1 Ohedjo Asoy, Jr. matapos rumesponde sa sunog. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



UPDATE: Sunog sa QC, mahigit 26 pamilya nawalan ng bahay – BFP


Solar eclipse masisilayan sa Marso 20

MAKIKITA sa Asial ang partial solar eclipse sa ilang bahagi ng Asya kaugnay ng inaabangang astronomical event ngayong buwan.


Ayon sa PAGASA astronomical division, malinaw na makikita ang total solar eclipse sa Norway at Faroe Islands, habang partial lamang sa Europe, Northern at Eastern portion ng Asya at northern gayundin sa Western Africa.


Mangyayari umano ito sa Marso 20, 2015 (magsisimula sa 07:41 UTC; magtatapos sa 11:50 UTC).


Ang tinatawag na solar eclipse ay kapag natatakpan ng buwan ang sikat ng araw.


Dito’y masisilayan ang tila sing-sing na tanawin dahil sa anino ng buwan.


Pero kahit anong ganda ng ganitong astronomical event, kailangan pa ring mag-ingat ang mga sky watchers.


Mapanganib kasi sa mata ang direktang pagtingin sa sikat ng araw kaya dapat gumamit ng mga pasilidad na angkop sa ganitong aktibidad. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Solar eclipse masisilayan sa Marso 20


Simbahan sa Basilan, pinasabugan

NIYANIG ng isang malakas na pagsabog ang Lamitan City, Basilan nitong Biyernes ng gabi (Pebrero 27).


Hinala ng pulisya, isang improvised explosive device (IED) ang sumabog partikular sa harapan ng St. Peter Catholic Church sa Lamitan City alas-9:30 ng gabi.


Wala namang napinsala, nasaktan o namatay sa insidente at inaalam na kung sino ang nasa likod nito.


Bagama’t nangyari ang pagsabog sa gitna ng military operation laban sa Abu Sayyaf Group (ASG), ikinalungkot ito ni Basilan Bishop Martin Jumoad na aniya’y isang “work of evil people.”


“Let us not drag religion to let it appear that there is tension between Muslims and Catholics,” apela ni Jumaod.


“This is the work of evil people and let us not be carried by our emotions. Instead we continue to work together for peace and harmony.” ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



Simbahan sa Basilan, pinasabugan


Bumbero, lapnos ang mukha sa 12-oras na sunog sa QC

SUGATAN ang isang bumbero sa naganap na sunog sa isang gusali sa Tatalon, Quezon City kahapon ng madaling-araw (Pebrero 28).


Bagama’t nailikas naman agad ang lahat ng umookupa sa Gateway building sa Araneta Ave., nalapnos naman mukha ng bumbero na nakilalang si Senior Fire Officer 1 Ohedjo Asoy, Jr.


Habang isinusulat naman balitang ito, inaapula pa rin ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sunog na umabot sa Task Force Bravo sa Gateway building na nasa Araneta Ave., Q.C. dakong 1 p.m.


Mahigit 12-oras nang nasusunog ang pitong-palapag na commercial building na bahagi ng Bgy. Tatalon. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



Bumbero, lapnos ang mukha sa 12-oras na sunog sa QC


10 oras na brownout, mararanasan sa Pampanga

SAMPUNG oras na brownout ang sasalubong sa unang araw ng Marso sa mga residente ng ilang bahagi ng Pampanga.


Ang nasabing pahayag ay base sa inilabas na abiso kahapon ng pamunuan ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na ang tanggapan ay nasa Bonifacio Global City, Taguig City.


Napag-alaman sa NGCP na kabilang umano sa maapektuhan ng brownout ay ang Mexico, Arayat, Magalang at Mabalacat, sa Pampanga na inaasahang mawawalan ng suplay ng kuryente simula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi.


Sa paliwanag ng NGCP, ang mararanasang power interruption ay upang bigyan-daan ang pagpapalit ng insulators sa kahabaan ng Mexico-Clark 69-kilovolt line at preparatory works para sa alternate line na gagawin ng PELCO I at isasagawang preventive maintenance sa Plaza Luman, Arayat substation.


Bukod sa Pampanga ay nakaranas din ng mahabang oras na brownout kahapon ang ilang bahagi ng Misamis Oriental dahil na rin sa emergency shutdown ng 69 kilovolt line sa Lugait-Carmen kung saan nagsimulang mawalan ng kuryente alas-6:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng gabi. JAY REYES


.. Continue: Remate.ph (source)



10 oras na brownout, mararanasan sa Pampanga


Indonesia nilindol ng magnitude 6.9

NILINDOL ng magnitude 6.9 ang Indonesia.


Kinumpirma ng US Geological Survey, ang sentro ng pagyanig ay naitala sa 182 kilometro hilagang silangan ng Ende, Indonesia at may lalim na 562 kilometro.


Sinabi naman ng National Oceanic and Atmospheric Administration na walang banta ng tsunami.


Natagpuan ang pagyanig sa gitna ng dagat subalit naramdaman din ito hanggang sa Bali bagama’t walang pinsala na naitala. MARJORIE DACORO


.. Continue: Remate.ph (source)



Indonesia nilindol ng magnitude 6.9


Karne, ipagbabawal sa QC tuwing Lunes

SUPORTADO ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ang resolusyon ng konseho na ipagbawal sa mga restaurant sa QC ang karne tuwing Lunes.


Sa report, nais ng mga konsehal na kahit man lamang isang araw sa loob ng isang linggo ay mapilitan ang mga taga-QC na kumain ng gulay.


Sa resolusyong tinawag na “Luntiang Lunes” ni Councilor Jessica Castelo Daza, inaasahan ng mga konsehal na bubuti ang kalusugan ng kanilang mga residente.


Ani Daza, kung iiwas sa karne ang mga taga-QC kahit minsan man lamang sa isang linggo sa loob ng isang taon, hindi lamang kalusugan nila ang gaganda kundi ang kapaligiran.


Sinimulan ng QC government ang adbokasiya ng Meatless Monday o “Luntiang Lunes” matapos aprobahan ang Resolution SP-5596 noong 2012, kung saan hinikayat ang lahat ng empleyado ng QC Hall, mga iskwelahang pampubliko at mga barangay na kumain ng gulay tuwing Lunes.


Batay sa pag-aaral, mga Filipino ang may pinakamababang kunsumo ng gulay sa buong mundo.


Ayon naman sa American Dietetic Association, kung hindi kakain ng karne ang isang tao minsan isang linggo ay malalayo siya sa sakit.


Maiiwasan din ang sobrang katabaan, hypertension, diabetes at ilang uri ng cancer. NENET VILLAFANIA


.. Continue: Remate.ph (source)



Karne, ipagbabawal sa QC tuwing Lunes


Oplan Exodus secret mission nina PNoy, Purisima, NapeƱas

MANILA, Philippines — Isinikreto talaga sa pagitan nina Pangulong Aquino, dating PNP Chief Director Alan Purisima at sinibak na si Special Action Force (SAF) .. Continue: Philstar.com (source)



Oplan Exodus secret mission nina PNoy, Purisima, NapeƱas


Fire prevention month simula na

MANILA, Philippines — Fire Prevention Month na kaya muling nagpaalala ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa publiko na maging fire conscious at gawin araw-a .. Continue: Philstar.com (source)



Fire prevention month simula na


House arrest ni Enrile ipapaubaya sa korte

MANILA, Philippines — Dapat ipaubaya na lang sa korte ang desisyon kung dapat isailalim sa house arrest si Sen. .. Continue: Philstar.com (source)



House arrest ni Enrile ipapaubaya sa korte


PNP Gen. Hospital pinagpapaliwanag ng Sandiganbayan

MANILA, Philippines — Pagpapaliwanagin sa darating na Lunes ng Sandiganbayan 3rd division ang pamunuan ng PNP General Hospital kung bakit nailipat nito si Se .. Continue: Philstar.com (source)



PNP Gen. Hospital pinagpapaliwanag ng Sandiganbayan


Graduation rites itinakda ng DepEd

MANILA, Philippines — Itinakda na ng Department of Education (DepEd) sa Marso 26 at 27 ang graduation ceremonies para sa mga pampublikong paaralan sa bansa. .. Continue: Philstar.com (source)



Graduation rites itinakda ng DepEd


Brownout sa ilang probinsiya umpisa na

MANILA, Philippines — Makakaranas ng 10 oras na brownout ang mga residente sa ilang bahagi ng Pampanga ngayong araw, Marso 1. .. Continue: Philstar.com (source)



Brownout sa ilang probinsiya umpisa na


Actor-politician na si Jolo Revilla, sugatan sa tama ng bala ng baril sa dibdib

Isinugod sa ospital sa Muntinlupa nitong Sabado ng umaga ang actor-politician na si Cavite Vice Gov. Jolo Revilla matapos na magtamo ng tama ng bala ng baril sa dibdib. .. Continue: GMANetwork.com (source)



Actor-politician na si Jolo Revilla, sugatan sa tama ng bala ng baril sa dibdib


Dating senador, na naging guerrilla, Defense secretary at Olympian

Kilala ba ninyo kung sino ang dating senador na naging guerrilla upang lumaban sa mga mananakop na Hapones, naging kalihim ng Defense department, at kabilang sa mga kauna-unang Pinoy Olympian? .. Continue: GMANetwork.com (source)



Dating senador, na naging guerrilla, Defense secretary at Olympian


91-anyos at may sakit: Sen Enrile, dapat na bang payagan na ma-house arrest?

Dahil sa pagkakaroon ng pneumonia at biglaang pagdala sa Makati Medical Center, muling nabuhay ang mungkahi na payagang ma-house arrest ang 91-anyos na si Senate Minority leader Juan Ponce Enrile. Paliwanag ng ilang mambabatas at kaalyado ni Enrile, dapat kahabagan at unawain ang kalagayan ng senador. .. Continue: GMANetwork.com (source)



91-anyos at may sakit: Sen Enrile, dapat na bang payagan na ma-house arrest?


SHELL ECO-MARATHON ASIA

NILAHUKAN ng 120 estudyante at 16 karatig bansa, kasama ang Oman, Australia, Bangladesh at Saudi Arabia sa isinagawang Shell Eco Marathon Asia sa Luneta Grandstand sa Maynila, para ipakita kung paano makakatipid ng gasolina ang mga motorista. CRISMON HERAMIS


.. Continue: Remate.ph (source)



SHELL ECO-MARATHON ASIA


Malaking drug raid, isinagawa sa Davao city; pero 2 target sa raid, nakapuslit

Isang malakihang drug raid ang isinagawa ng mga awtoridad sa Davao city para mahuli ang pinakamalaking distributor umano ng iligal na droga sa lungsod. .. Continue: GMANetwork.com (source)



Malaking drug raid, isinagawa sa Davao city; pero 2 target sa raid, nakapuslit


Friday, February 27, 2015

House arrest kay Enrile, hayaan ang korte ang magpasya, ayon sa Palasyo

Ang Sandiganbayan umano ang magpapasya kung dapat payagan na ma-house arrest si Senate minority leader Juan Ponce Enrile, ayon sa MalacaƱang nitong Sabado. .. Continue: GMANetwork.com (source)



House arrest kay Enrile, hayaan ang korte ang magpasya, ayon sa Palasyo


6 sugatan sa suwagan ng bus sa Makati

NASUGATAN ang anim na pasahero sa naganap na suwagan ng dalawang bus sa kahabaan ng EDSA kanto ng Buendia lungsod ng Makati.


Sa inisyal na imbestigasyon, nawalan umano ng preno ang isang bus kaya sumalpok ito sa kabilang bus kaninang umaga.


Agad na naitakbo sa Taguig Pateros District Hospital ang mga biktima.


Inaalam pa ng mga awtoridad ang mga pangalan ng mga biktima pati na bus na nasangkot sa banggaan. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



6 sugatan sa suwagan ng bus sa Makati


8 patay sa bomba at rocket fire sa Baghdad

WALO ang idineklarang patay sa pamomomba at rocket fire sa Baghdad.


Ayon sa mga awtoridad sa Baghdad, sumabog ang bomba sa Sunni neighborhood Al-Saydiya sa southern Baghdad na ikinasawi ng tatlong sibilyan.


Ang dalawang Katyusha rockets naman ay tumama sa al-Shurta na ikinamatay ng dalawang katao.


Patay din ang tatlo pang katao sa pagsabog ng bomba sa Saba al-Bour.


Wala pang grupo na umaako sa nasabing pamomomba at rocket fire.


Noong Martes 37 katao ang namatay sa Baghdad dahil sa pag-atake. MARJORIE DACORO


.. Continue: Remate.ph (source)



8 patay sa bomba at rocket fire sa Baghdad


Usman, 5 pang terorista tinutugis

BUKOD sa teroristang si Basit Usman, may limang pang international terrorists na pinaniniwalaang kinakanlong ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Mindanao ang tinutugis ng awtoridad.


Sinabi nitong Biyernes ng hapon (Pebrero 27) ni Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesperson Col. Restituto Padilla, Jr. sa isang press conference sa Camp Aguinaldo, na batay sa nakuhang impormasyon ng AFP, kabuntot ni Usman ang mga hindi pinangalanang international terrorist sa Maguindanao.


“That is the information that we got. We are validating if they are still there,” ani Padilla.


Si Usman ay isa sa mga target ng “Oplan Exodus” na ikinasa ng Special Action Force (SAF) sa Maguindanao noong Enero 25.


Napatay sa nasabing operasyon ang isa pang target na si Abdul Zulkifli Abdhir alyas Marwan habang nakatakas naman si Usman.


Nauwi naman ang operasyon ng SAF sa engkwentro sa mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at BIFF sa Mamasapano na ikinamatay ng 44 commando.


Una nang ibinunyag ng Western Mindanao Command (WESMINCOM) na nasa Mindanao ang limang international terrorists na pinaghahanap din ng Malaysian authorities.


Ito’y sina Mahmud Bin Ahmad, dating lecturer ng University Malaya Islamic Studies at miyembro ng grupo sa Malaysia na sumusuporta sa ISIS; Mohd Najib Husen, isang dating negosyante; Muhammad Juraimee Awang Raimee, dating empleyado sa Selayang Municipal Council sa Malaysia; Jeknal Adil, isang laborer sa Malaysia; at Mohd Amin Baco.


Dagdag pa ni Padilla, nakakabakbakan ngayon ng militar sa Sulu ang ilang grupo ng Abu Sayyaf kasama ang tatlo sa limang terorista.


Sa impormasyong nakuha ng AFP, tumutulong ang mga terorista sa pagtuturo sa Abu Sayyaf Group at BIFF sa paggawa ng bomba.


Sa ulat na inilabas ng Malaysian media noong nakalipas na taon, nanghihikayat din ang lima ng mga bagong miyembro sa ISIS.


Nang tanungin si Padilla kaugnay ng koneksyon ng mga terorista sa ISIS, aminado itong wala pang natatanggap na impormasyon ang AFP ukol dito. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



Usman, 5 pang terorista tinutugis


HUNYANGO NG PEACE PROCESS SIBAKIN NA

PANAHON na siguro para pagsisibakin ni Pang. Aquino sina Presidential Adviser on the Peace Process Sec. Teresita Deles at Government Peace Panel Chair Miriam Coronel-Ferrer dahil sa patuloy nilang pagsisilbi na parang mga abogado ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).


Mantakin ninyo, bilyon-bilyong piso ang ginugugol ng ating gobyerno para lamang magkaroon ng kapayapaan sa Kamindanaoan pero patuloy pa rin ang karahasan na nagaganap sa rehiyon.


Sa halip kasi na bigyang hustisya nina Deles at Ferrer ang sinapit na kamatayan ng Fallen 44 ng Special Action Force (SAF) commandos sa kamay ng pinagsanib na puwersa ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ay sila pa ang nagsisilbing mga abogado ng mga MILF.


Nagbigay tuloy ng paalala si Magdalo Partylist Rep. Ashely Francisco Acedillo kina Deles at Ferrer na ang tungkulin ng mga ito ay isulong ang pambansang interes at hindi raw ang protektahan ang interes ng MILF.


Aba kung inyo kasing iisipin, ay nakababahala na ang naging pahayag ni Ferrer na nakapaloob daw sa Bangsamoro Basic Law (BBL) ang training ng MILF.


Pero nang pag-aralan ni Rep. Acedillo ang probisyon sa BBL, wala raw siyang nabasa na pinapayagan ang pagsasanay ng MILF.


Ayon pa sa mambabatas, maituturing daw na pagtataksil o kawalang sinseridad sa usaping pangkapayapaan dahil hindi na raw kailangang magpalakas ng pwersa ang MILF dahil taliwas daw ito sa layunin ng isinusulong na peace process.


Maging itong Office of the Presidential Affairs on Peace Process ni Sec. Deles ay nagbubulag-bulagan sa mga tunay na pangyayari sa naganap sa Mamasapano, Maguindanao.


Para sa akin ay itigil na ang pagsusulong ng Bangsamoro Basic Law!


o0o

Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


.. Continue: Remate.ph (source)



HUNYANGO NG PEACE PROCESS SIBAKIN NA


CHANGE THE SYSTEM, PAGBABAGO?

MARAMI ang organisasyon, mga luma at bago, ang nananawagan nang lubusan na pagbabago ng pamamahala, pamumuhay at pamamalakad sa ating lipunan. Sabi nga, madali sa salita, napakahirap sa gawa.


Mula sa kamay ng mga Kastila hanggang sa kamay ng mga Filipino, bulok talaga ang sistema ng pamamahala. Mapang-alipin, mapagsamantala, tiwali at korap ang buong sistema. Paano ninyo babaguhin?


Iyan ang pangako ng EDSA 1, 2 at ‘yung mga nagsusulong ng kasunod na rebolusyon ng pagbabago. Sa naunang dalawa, mayroon naman pero sa huli ay mga politiko pa rin ang naghari at malalinta na sinipsip ang yaman ng bansa – hanggang ngayon!


O sige, bagong sistema, bagong tipo ng pamamahala, may posturang makabayan ang mga naupo sa kapangyarihan. Ilan ang mga punto na nais natin malaman sa mga nagtutulak ng change the system, pagbabago.


Mawawala na ba ang buhay iskwater at ‘yung kanilang mga tirahan ay magiging disenteng tahanan? May oportunidad ba na magkatrabaho kahit ang mga kulang sa pinag-aralan? Makakakain na ba sila nang sapat?


Mapapalawak ba ang mga lansangan, kalsada at kalye para maluwag at mabilis ang galaw at biyahe lalo na yaong mga mahahalagang kalakal patungo ng merkado? Makakakain na ba ng sariwa ang mga tao?


Malilinis na ba ang mga daluyan ng tubig tulad sa Ilog Pasig at mga kauri para magamit bilang transportasyon pantubig? Mawawala na ba ang tambak ng basura dala ng mga walang disiplinang tao?


Magkakaroon ba ng tamang pamamahala sa perokaril at hindi tulad ngayon na talo pa ang mga sardinas sa lata? Kung gugustuhin, kaya naman gawin ang perokaril mula dulong Ilocos at Cagayan patungo ng Bicol. Gayundin sa Visayas at Mindanao.


Kaya bang wasakin ang matatag na institusyon ng katiwalian at korapsyon kung sakali ng bagong sistema? Kaya bang ayusin ang ugali ng mga motorist, pampubliko man o pribado sa estilong bara-bara na pagmamaneho na dahilan ng etot-etot na trapiko?


Kaya bang itaas sa tamang deskripsyon ang suweldo kapwa sa mga manggagawa ng gobyerno at pribado? Maibababa pa ba ang singil sa kuryente, tubig, langis at serbisyo publiko?


Handang magbayad ng mataas na presyo ang sinoman pero dapat ay mataas din ang uri ng serbisyo. Magagawa ba ito ng mga nagsusulong ng “change the system, pagbabago?”


Kung hindi kaya ng mga “bagong lider”, pwede namang ibigay sa pribado ang malalaking proyekto na kailangan ng bansa at taumbayan tulad ng perokaril, ro-ro, expressways at iba pa. Pero dapat ay kontrolado sila ng “bagong gobyerno” sa oras ng paniningil sa kanilang serbisyo.


Change the system o pagbabago? Sino-sino kayo? BALETODO/ED VERZOLA


.. Continue: Remate.ph (source)



CHANGE THE SYSTEM, PAGBABAGO?


MEDICAL MISSION MALAKI ANG NAITUTULONG

SA hirap ng buhay ngayon at sa mahal ng bayad sa mga doktor, ospital at mga gamot ay lubhang napakahalaga ng mga isinasagawang medical mission ng mga lingkod bayan at ilang pilantropo.


Minsan ay hindi sinasadyang naparaan kami ng kaibigan ko sa may Brgy. 733 Zone 8 sa ika-5 Distrito ng Lungsod ng Maynila at naraanan namin ang maraming tao kung saan ay may isinasagawang medical mission.


Medyo na-curious kami dahil sa rami ng tao na aming nakita kaya nagtanong-tanong kami at aming napag-alaman mula sa mga nakapilang residente na ang nasabing medical mission ay proyekto pala ni Manila 5th District Councilor Ali Atienza.


Tuwang-tuwa kaming pinagmamasdan ang nakapilang mga pasyente dahil masasaya sila. Sabi nga ng ilan sa aking mga nakausap, ‘pag wala raw available na gamot, kung minsan ay pera na lang ang naibibigay sa kanila para pambili ng gamot. At hindi biro ang halagang tatlong libo. Kaya ganun na lang ang pasasalamat ng ilang pasyente.


Ah, hindi na tayo magtaka riyan dahil sa Maynila kasi, matunog ang pangalan nitong si Ali na palaging kahalubilo ng mga Manilenyo, lalo na pagdating sa mga problema o karaingan ng bawat pamilya. Kasi kahit lantad ang katotohanang ginipit siya at hindi binigyan ng anomang komite at pondo sa City Council ay hindi ito naging hadlang para manahimik at maupo na lamang siya sa isang tabi.


Sa halip, maraming kaibigan si Ali na sumuporta pa sa kanya para makatulong sa adhikaing makatulong at makapaglingkod sa mga taga-Maynila.


Marahil sa mga naitanim na kabutihan at pakikisama ni Ali sa kanyang mga kaibigan kaya nakikiisa rin sila sa mga adhikain ng konsehal para sa Manilenyo.


Isa na rito si Cong. Irwin Tieng ng Buhay Party-list na sumusuporta sa projects ni Councilor Ali, lalo na sa mga pangangailangang medikal ng taga-Maynila.


Bulong nga sa atin ng ilang staff na naroon sa medical mission, simula raw nang maupo si Ali bilang Konsehal ng Maynila, nagsimula na rin ang kanyang mga medical mission sa iba’t ibang lugar sa kanyang distrito, at ang tuloy-tuloy na pagkakaloob ng mga gamot sa nangangailangan.


Marami nga ang nagbiro, nagmistula na raw botika ng bayan ang tanggapan ni Ali dahil lahat ng mga taga-Maynila, kahit hindi taga-5th District ay roon tumatakbo para sa mga reseta ng pasyente. Pero walang anomang reklamo o pagsusungit kay Ali at sa kanyang mga staff na makikita o maririnig, bagkus at taos pusong ngiti at pakikiramay sa mga may karamdaman sa pamamagitan ng panlunas na gamot.


Pero teka, nasaan nga ba ‘yung ipinagmamalaking ipinagawang mga bagong ospital daw para sa mga taga-Maynila? Marami raw ‘yun. E bakit ang takbuhan ng mga pasyente ay ang tanggapan ni Ali?


Sagot ng marami, mukhang pribado naman daw ‘yung mga ospital kasi pagpasok pa lamang doon ay kailangan agad ang deposito at lahat ng mga gamot ay babayaran din.


Hindi raw pangmasa ‘yung mga ospital. Kaya ‘pag emergency, sa Ospital ng Maynila, sa PGH o sa Jose Reyes pa rin ang takbo ng mga pasyente. Tsk tsk tsk.


Hay naku, kaya kayong mga taga-Maynila, huwag kayong padadala sa boladas ng mga politiko. Malapit na naman ang election at asahan na naman natin ang hanggang langit na pangako ng mga ‘yan. LILY’S FILES/LILY REYES


.. Continue: Remate.ph (source)



MEDICAL MISSION MALAKI ANG NAITUTULONG


NAKATATAKOT

NAKATATAKOT ang balita tungkol sa tatlong batang babae, na lumayas daw sa mula sa London, pumuslit papunta sa Syria dahil gustong mag-join sa Islamic State.


Ang mga batang babae ay 15, 16, at 17-taong gulang ay mga honor student sa kanilang klase.


Ayon sa mga report, hindi man lang daw nag-iwan ng kahit anong sulat o mensahe para sa kanilang mga pamilya ang mga teenager bago umalis.


Natural na nagdadalamhati ang mga magulang at pamilya.


Pero ang mas nakaaalarma ay ang security threat na pwedeng idulot nito sa mga bansa kung saan galing ang mga teenager. Ginagamit na ang mga bata ng mga terorista.


Ang internet ang sinasabing naging koneksyon ng mga bata sa kinatatakutan na grupong ISIS, tinaguring international terrorists.


Ang isang hamon sa mga bansa ngayon ay kung paano mapangangalagaan ang mga bata, na sobrang dami nang oras ang ginugugol sa internet, laban sa tinataguriang international terrorists na ito.


Hamon din ito sa mga magulang kung paano natin mababantayan ang ating mga anak laban sa mga terorista na namumugad sa internet.


Iba na ang klase ng panganib ngayon sa ating mga anak, hindi tulad noon na mga barkada lang sa kapitbahay at sa eskwelahan ang iniintindi natin na pwedeng mga bad influence sa mga bata, ngayon mismong mga international terrorist ang may access na sa ating mga anak.


Nakatatakot na talaga.


Ang payo ko sa ating mga magulang ay mas tumutok sa activities ng ating mga anak sa internet. Maski sa games nila ay may mga nakakausap silang mga ibang tao na galing sa iba’t ibang parte ng mundo at hindi na natin masisiguro ngayon ang impluwensya ng mga ito sa isip ng kabataan.


Impressionable ang mga bata ngayon, madaling ma-inspire, madaling makaintindi at bumuo ng sarili nilang mga opinyon at aksyon kaya mas matindi ang kailangang tutok mula sa mga nakakatanda, sa ating mga nagmamahal sa kanila.


Wala pa ring tatalo sa malinaw at bukas na komunikasyon sa pagitan ng mga magulang at mga anak.


***

Mag-email ng reaksyon sa ariel.inton@gmail.com or text sa 09178295982 o 09235388984. SIBOL/ATTY. ARIEL ENRILE-INTON


.. Continue: Remate.ph (source)



NAKATATAKOT


PNOY vs PURISIMA

ANG ‘sisihan blues’ ang ugat kaya kaliwa’t kanan ang isinasagawang imbestigasyon para malaman ang katotohanan sa Mamasapano debacle.


Una ang sisi kay SAF commander Getulio NapeƱas dahil namatay ang 44 SAF sa paglusob sa taguan ni Zulkifli Bin Hir, aka Marwan.


Nabaling ang sisi kay PDG Alan Purisima matapos aminin ni NapeƱas sa Senate inquiry na may role ang suspendidong heneral sa operasyon.


Ngunit nagpaliwanag si Purisima, sa pagsasabing ‘advice’ lang at hindi order ang ibinabato kay NapeƱas ukol sa Oplan Exodus to get Marwan.


Lumaki nang lumaki ang sunog matapos kwestiyunin ang authority ni Purisima na pamunuan ang Oplan Exodus gayong siya’y suspendido.


Hanggang lumutang ang pangalan ni Pangulong Aquino dahil sa ulat na sa kanya nagre-report si Purisima hinggil sa operasyon.


Kahit anong pananakot, hindi natinag si Purisima sa mga tanong ng mga senador na pilit na pinagtatagpi-tagpi ang role ng dalawa sa exodus.


Para lamang magsabi na ng totoo, hiniling ng mga senador ng executive meeting para doon isiwalat ni Purisima ang nalalaman sa operasyon.


Sa paghimay ng mga senador, napagdugtong-dugtong ang sikretong batuhan ng impormasyon nina PNoy at Purisima sa nagaganap na oplan.


Klaro ang partisipasyon ni PNoy dahil sa mga sinabi ni Purisima sa isinagawang executive session, kaya buking ang Presidente.


Dito na lumabas ang Pangulo na sinasabing si Purisima ay nagsinungaling sa kanya sa operasyon na ikinamatay ng SAF 44.


Kailanman ay hindi nakitang suminghal si Purisima sa Pangulo, gayundin ang Pangulo sa dating PNP chief.


At wala ring kwentong masama si Purisima basta ang tema ng usapan ay si PNoy, gayundin ang Presidente kapag nagkukwento tungkol kay Purisima.


Ito’y, ayon na rin mismo kay PNoy, sila’y matalik na magkaibigan ng dating PDG, na ang pagiging malapit ay hinubog ng ‘di matatawarang mga pagsubok.


Pero ngayo’y unti-unting nagkakalamat ang relasyon ng dalawa dahil sa ‘di maputol-putol na isyu ng Fallen 44.


Ayon sa pahayag ng kampo ni Purisima, kailanman, anila ay hindi nagsinungaling ang dating heneral kay Pangulong Aquino.


Saan paroroon ang matagal nang iningatang pagkakaibigan nina PNoy at Purisima dahil sa paratang kung sino sa kanila ang sinungaling?


Abangan. CHOKEPOINT/BONG PADUA


.. Continue: Remate.ph (source)



PNOY vs PURISIMA


Bea, ayaw sumawsaw kay Xian

TINANONG si Bea Binene sa isyung kinasasangkutan ni Xian Lim sa Albay.


Dati ay nabiktima rin siya ng pagiging taklesa ni Xian nu’ng Chinese New Year last year.


“Siguro, ano lang lahat naman po ng tao ay may dahilan. May dahilan nga siya kung bakit niya nagawa ‘yun. Basta ang alam ko lang, hindi niya isinuot ‘yung t-shirt, narinig ko lang sa radyo, eh. Malay mo, conflict talaga sa endorsement niya kasi ganoon naman talaga, eh. Kapag ganoon pwedeng siya ang makasuhan ‘pag sinuot niya’yun, ‘di ba? May dahilan naman po siya talaga. Pero ako hindi ko alam kasi ang buong story,” sey ng bagong endorser ng Verifit Slimming Capsule.


“Basta ako, ayaw kong makisawsaw sa isyu kasi ano, baka sabihin naman wala naman akong kinalaman. At saka ako, dun sa past na isyu namin, wala akong kinalaman kasi nasabi lang ang pangalan ko. Hindi po ako involved. Hindi ako ‘yung na-offend. Natuwa pa nga ako dahil kilala ako ni Xian Lim,” sey pa niya.


Since then, nagkita na raw sila sa PEP Awards. Nag-judge din sila sa singing contest sa Batangas with Angel Locsin.


At saka na-appreciate rin ni Bea na binigyan siya ni Xian ng flowers before. Nu’ng magkita raw sila, hindi na ‘yun napag-usapan at hi-hello na ang nangyari. Hindi naman daw sila close.


Eh, ‘di wow!


-0o0-


Nadulas si Bea Binene na may third party involved sa paghihiwalay nila ni Jake Vargas nang tanungin kung bati na sila. Very vocal na siya sa tunay ng estado ng relasyon nila nang makatsikahan siya sa launching ng bagong ini-endorse na Verifit Slimming Capsule na ginanap sa Tweedle Book CafƩ sa Sct. Gandia, QC.


Aminado si Bea na napagod siya kay Jake at paulit-ulit na lang.


Tinanong din kung isang young actress ang dahilan pero non-showbiz daw ito at nasa malayong lugar. Ayaw nang idetalye kung paano niya nabuking.


“Siguro dun na lang kami sa ini-enjoy ang sari-sariling buhay,” deklara niya.


“I’m starting to enjoy life and nagagawa ko ‘yung gusto ko, ganoon,” dagdag pa niya.


Na-hurt ba siya?


“Siguro lahat naman, ‘di ba? Pero kailangan mo lang i-accept, eh at ‘pag may nagsara, may nagbubukas na bintana, may nagbubukas na bubong,” aniya pa sabay tawa.


Hi and hello na lang daw pag nagkikita. Hindi rin niya alam kung willing pa siyang makatrabaho si Jake pero nasa desisyon daw ng management ‘yan. XPOSED/ROLDAN CASTRO


.. Continue: Remate.ph (source)



Bea, ayaw sumawsaw kay Xian


Kinumpirmang hiwalay na sila ni Jake Vargas

MAGSE-CELEBRATE ng kanyang 18th birthday si Bea Binene sa November at dahil ganap nang dalaga ay conscious na siya kung paano magpapayat para mawala na ang kanyang baby fat.


Tamang-tama naman naging endorser siya ng isang uri ng gamot pampapayat daw na kapag itinake mo ay mawawalan ka na raw ng ganang kumain na hindi daw makakaapekto sa kalusugan ng tao.


“Nararamdaman mo naman ‘yung gutom. Kunwari, gutom ka na, kumain ka na. Pero ‘yung craving mo, matikman mo lang ng isang subo, tapos ka na. Parang okey ka na. Hindi ka na yung kakainin mo lahat. Hindi ka ‘yung takaw mata,” katwiran ni Bea.


Tanong tuloy kay Bea sa pagpapayat ay kung paghahanda na raw ba ‘yun na maging cover girl ng men’s magazine?


“Naku! Wala po sa pangarap ko,” pagdidiin ni Bea.


When asked kung wala pa ba siyang naiisip na gagawin sa kanyang debut sa November?


“Ang GMA Artist Center po ang nag-aayos. Pero ‘yung sa amin, baka pwedeng mag-travel na lang. Basta may nakitang murang airfare, Ha! Ha! Ha!” say ni Bea.


Samantala, hindi nakaligtas si Bea about her boyfriend na si Jake Vargas.


Okey pa rin ba sila? O, totoong nagkahiwalay na sila ng landas?


Consistent pa rin si Bea sa pagsagot sa tunay na estado ng kanilang pagmamahalan ni Jake na okey pa rin raw sila ng ka-loveteam pero kinumpirma niya na break na nga sila.


“Okey pa rin po kami Jake. Mas mabuti na rin po siguro ito para mas matutukan namin ang aming showbiz career,” pahayag ni Bea.


Sa ngayon ay pursigido si Bea na magtapos ng high school para makapasok sa college next year. Gusto niyang kumuha ng Mass Communication na walang Mathematics. Pangarap din kasi niya maging isang Mel Tiangco na paborito niyang TV news reporter.


Habang wala pa siyang regular na show sa GMA 7, tinatapos ni Bea ang isang indie/documentary na Dinggin na kung saan siya ang producer.


“Climate change awareness po ang istorya ng movie. Ang title niya is Dinggin. Parang Dinggin ang Puso ng Mundo something na advocacy na parang pansinin ninyo kami. ‘Yung parang hindi laging napapansin ng government,” say pa ni Bea na medyo seksi na rin kung magdamit.


***


Ngayon palang ay marami na ang nasasabik makita at mapanood muli sa telebisyon si Dingdong Dantes pagkatapos na kanilang kasal ni Marian Rivera.


Post nga ng isang tagahanga ni Dingdong sa Instagram nito na nag-iimbita sa pagsisimula ng bagong soap ng actor sa GMA 7 na Pari Koy na magsisimula sa March 9, pagkatapos ng 24 Oras.


Gaganap na isang pari si Dingdong for the first time kaya nakasaad sa post, “looking forward to hearing your homilies father Kokoy.”


We heard na si Carla Abellana ang lead female character sa serye na tila magkakaroon daw yata ng kaugnayan sa role ni Dingdong.


At totoo ba ang nakarating sa amin na tila ‘di raw natuwa si Marian na si Carla ang magiging kasama ng husband niyang sa serye?


Anyway, ang Pari Koy ay ididirek ni Marjo J delos Reyes at ngayon pa lang ay nakakasiguro na kami na maganda ang kalalabasan ng serye dahil minsan na rin kasi naging sacristan si Direk Maryo J. TEKA MUNA/GERRY OCAMPO


.. Continue: Remate.ph (source)



Kinumpirmang hiwalay na sila ni Jake Vargas


Baby first then marriage will follow

LAST December nang magsilang ng anak ang actress na si Ara Mina sa kanyang long-time partner na si Patrick Meneses, Mayor ng Bulacan. Pero hanggang ngayon marami ang nagtatanong kung kailan naman magpapakasal ang aktres at si Patrick.


So far, inamin ng dalawa na bahagi talaga ng plano nila na magkaroon muna ng anak bago magpakasal at isa ring dahilan ang edad nila. 36-years old na ang aktres, habang 37-anyos naman ang alkalde.


Ayon kay Patrick, “We just wanted to have a baby, and siyempre, it’s born out of love. Marriage will follow.”


Sabay biro pa niya, “(Marriage) will come. Hindi ko na lang sasabihin kung kailan para may element of surprise.”


Nung December 17, 2014 pinanganak ang kanilang baby girl na si Amanda Gabrielle, na pangalawang anak na sana nina Ara at Patrick kung hindi nakunan ang aktres sa una nitong pagbubuntis.


Kaya naman malaking biyaya para sa kanila ang pagdating ni baby Mandy lalo na at dumating siya halos sakto sa isang taon matapos mawala ang una sanang anak ng live-in partner.


“The perfect gift this Christmas! Our Mandy… Thank you Father for the safe delivery of our healthy baby girl. There’s nothing more I can wish for. We are truly blessed. A very merry Christmas indeed! Thank you for all the prayers,” sey naman ni Ara.


Kwento naman ni Patrick tungkol sa pagdating ni baby Mandy, “Sobrang excited. Unexplainable pala talaga kapag magkakaroon ka ng baby.”


Kasunod nito, naging hands-on dad ang alkalde sa kanilang munting anghel.


“Minsan pinapatulog ko na siya, kasi hindi niya matiis na naririnig niyang umiiyak. Nasa room kasi namin,” dagdag pa niya. SABEEEE!/THROY J. CATAN


.. Continue: Remate.ph (source)



Baby first then marriage will follow


Derrick Rose can return in 4-6 weeks

DERRICK ROSE could be available for the Chicago Bulls in the playoffs following a successful surgery on his right knee.


The former MVP is expected to be back in 4-6 weeks.


Four weeks will put Rose’s return around March 27 and six weeks will mean the very end of the regular season around April 10.


Rose will begin aggressive rehab almost immediately and should be back performing basketball activities in a week.


That was Rose’s third knee surgery in three years and his right knee will now have the dreaded bone-on-bone problem which ended the career of Brandon Roy. Noli Cruz


.. Continue: Remate.ph (source)



Derrick Rose can return in 4-6 weeks


WATCH: Unang pag-usisa nina Roxas, Gazmin kay ex-SAF chief NapeƱas matapos ang Mamasapano clash

Nakakuha ang GMA News ng video ng kauna-unahang pag-usisa nina Interior Secretary Mar Roxas, Defense Secretary Voltaire Gazmin, at iba pang opisyal ng pulisya at militar sa sinibak na hepe ng Special Action Force (SAF) chief Police Director Getulio NapeƱas Jr., isang araw matapos maganap ang madugong engkuwentro sa Mamasapano, Maguindanao. .. Continue: GMANetwork.com (source)



WATCH: Unang pag-usisa nina Roxas, Gazmin kay ex-SAF chief NapeƱas matapos ang Mamasapano clash


Kredibilidad ng whistleblower sa pork barrel case, nahanapan daw ng butas ng kampo ni Napoles

Sumalang sa witness stand sa Sandiganbayan ang isa sa mga whistleblower sa pork barrel case kaugnay ng bail petition ng akusadong si Janet Lim-Napoles. Ang panig ng depensa, sinabing hanapan ng butas ang testimonya ng testigo matapos sitahin daw mismo ng isang mahistrado. .. Continue: GMANetwork.com (source)



Kredibilidad ng whistleblower sa pork barrel case, nahanapan daw ng butas ng kampo ni Napoles


Panawagan ng ex-Marine Col. vs PNoy sinupalpal ng AFP

MANILA, Philippines - Ibinasura kahapon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang panawagan ng nadismis na Marine Colonel sa mga opisyal ng militar na iat .. Continue: Philstar.com (source)



Panawagan ng ex-Marine Col. vs PNoy sinupalpal ng AFP


Enrile i-house arrest

MANILA, Philippines - Isinusulong ng isang kongresista na maisailalim sa house arrest si Sen. Juan Ponce Enrile dahil sa sakit nitong pneumonia. .. Continue: Philstar.com (source)



Enrile i-house arrest


Special tax exemption para kay Pacquiao gagawing batas

MANILA, Philippines - Maghahain ng panukalang batas si Senator Koko Pimentel na naglalayong mabigyan ng special tax exemption si Manny Pacquiao na hindi pa m .. Continue: Philstar.com (source)



Special tax exemption para kay Pacquiao gagawing batas


Pagtatago sa assets ni Jinggoy, itinanggi

MANILA, Philippines - Itinanggi ni detained Senator Jinggoy Estrada ang report na plano niyang itago o ma-dispose ang kanyang assets na pina-freeze ng Sandig .. Continue: Philstar.com (source)



Pagtatago sa assets ni Jinggoy, itinanggi


13 SAF survivors nakalabas na ng ospital

MANILA, Philippines - Lumabas na sa PNP General Hospital sa Camp Crame ang 13 sa 15 survivors ng Special Action Force (SAF) commandos na kabilang sa nasugata .. Continue: Philstar.com (source)



13 SAF survivors nakalabas na ng ospital


SAF 44 idudulog sa UN

MANILA, Philippines - Nagbanta ang oposisyon sa Kamara na i-aakyat nila sa United Nations (UN) ang usapin sa isyu ng malagim na eng­kwentro sa Mamasapano, Ma .. Continue: Philstar.com (source)



SAF 44 idudulog sa UN


Pinakabatang biktima raw ng pedophile na si 'Porno King,' mahigit 1-taong-gulang lang

Taong 2011 umano nang magsimulang mag-operate ang Australian pedophile na binansagang "Porno King" na bumibiktima sa batang babae. Ang pinakabata raw na naging biktima ng suspek, mahigit isang-taong-gulang lang na pinatakan ng kandila ang maselang bahagi ng katawan. .. Continue: GMANetwork.com (source)



Pinakabatang biktima raw ng pedophile na si 'Porno King,' mahigit 1-taong-gulang lang


Kris Aquino, 'di masusuportahan ng ilang kamag-anak kapag kumandidato sa Tarlac

Sakaling tumakbong gobernador ng Tarlac si Kris Aquino sa 2016 elections, inihayag ng kaniyang tiyahin na si dating Tarlac governor Margarita "Tingting" Cojuangco na hindi nila ito masusuportahan. Alamin kung bakit. .. Continue: GMANetwork.com (source)



Kris Aquino, 'di masusuportahan ng ilang kamag-anak kapag kumandidato sa Tarlac


WATCH: Nadakip na suspek sa pagpatay sa 5 nilang kamag-anak, sinugod ng kaanak ng biktima

Naaresto sa Bulacan nitong Huwebes ang tatlo pang suspek sa pagpatay sa lima nilang kamag-anak sa La Union noong Martes. Hindi naman nakapagpigil ang isang kamag-anak ng biktima at sinugod ang isa sa mga suspek nang makita. .. Continue: GMANetwork.com (source)



WATCH: Nadakip na suspek sa pagpatay sa 5 nilang kamag-anak, sinugod ng kaanak ng biktima


5 sundalo, patay sa ambush sa Ilocos Norte; 6 na iba pa, sugatan

Limang sundalo ang nasawi, at anim na iba pa ang nasugatan sa pananambang na isinagawa umano ng mga hinihinalang miyembro ng New People's Army sa bayan ng Quirino sa Ilocos Sur nitong Huwebes ng gabi. .. Continue: GMANetwork.com (source)



5 sundalo, patay sa ambush sa Ilocos Norte; 6 na iba pa, sugatan


Kondisyon ng kalusugan ni Enrile, bumuti, ayon sa anak

Bahagyang bumuti umano ang kalagayan ng kalusugan ni Senate minority leader Juan Ponce Enrile pero patuloy na binibigyan ng antibiotics. Matatandaan na isinugod sa Makati Medical Center nitong Huwebes ng madaling araw ang senador dahil sa pneumonia. .. Continue: GMANetwork.com (source)



Kondisyon ng kalusugan ni Enrile, bumuti, ayon sa anak


PRESYO NG PANGUNAHING BILIHIN SA PALENGKE

BASE sa ika-26 ng Pebrero 2015, ang presyo ng mga pangunahing bilihin tulad ng karne, isda at mga piling gulay sa 14 na pamilihan sa Metro Manila. Ito’y ang Pasig City Mega Market, Viajero Market, Muntinlupa Public Market, Pasay Public Market, Marikina Market Zone, Marikina Public Market, Commonwealth Market, Mega Q Mart, MuƱoz Market, Tandang Sora Market at New Arayat Market sa Quezon City, New Dagonoy Market sa Manila, Polo Market sa Valenzuela at sa Mandaluyong Public Market.


Ang karne, tulad ng pork ham o kasim ay mabibili sa P170.00 hanggang P195.00/kilo. Ang liempo ay mabibili ng P180.00 hanggang P210.00. Ang fullydressed chicken ay nagkakahalaga ng P130.00 hanggang P140.00 kada kilo at ang pinakamurang medium size na itlog ay mabibili sa halagang P4.50 kada piraso.


Sa isda naman, ang medium na bangus ay nagkakahalaga ng P100.00 hanggang P130.00 kada kilo; ang medium na tilapia ay nasa halagang P80.00 hanggang P110.00 kada kilo.


Ang mga piling gulay gaya ng ampalaya ay mabibili sa P60.00 hanggang P70.00 kada kilo. Ang cabbage scorpio naman ay mabibili sa P20.00 hanggang P50.00 kada kilo. Ang carrots ay mabibili sa P30.00 hanggang P50.00 kada kilo. Ang kamatis ay mabibili sa P15.00 hanggang P40.00 kada kilo. Ang pulang sibuyas ay nagkakahalaga ng P25.00 hanggang P60.00 kada kilo at ang talong naman ay mabibili sa P35.00 hanggang P50. 00 kada kilo. Ang imported na bawang ay mabibili sa halagang P70.00 hanggang P100.00 kada kilo, samantalang ang presyo ng luya ay mabibili sa halagang P90.00 hanggang P150.00 kada kilo.


Ang mga piling prutas gaya ng lakatan ay nagkakahalaga ng P45.00 hanggang P60.00 kada kilo, ang latundan ay nasa P35.00 hanggang P50.00 kada kilo. At ang murang presyo ng calamansi nagkakahalaga ng P45.00 hanggang P80.00 kada kilo. ANG INYONG LINGKOD/HILDA ONG


.. Continue: Remate.ph (source)



PRESYO NG PANGUNAHING BILIHIN SA PALENGKE


Pinakamatandang babaeng preso, laya na matapos bigyan ng parole ni PNoy

Makaraang makulong ng limang taon, nakalaya na nitong Biyernes ng umaga si lola Petra Lukingan, 91-anyos, ang pinakamatandang bilanggo sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong city matapos mabigyan ng parole ni Pangulong Benigno Aquino III. .. Continue: GMANetwork.com (source)



Pinakamatandang babaeng preso, laya na matapos bigyan ng parole ni PNoy


Habangbuhay na pag-ibig…

SA loob ng 67 taon, isang mag-asawa ang sumakabilang-buhay nang magkasama…at magkahawak ng kamay.


Dahil kapwa na nag-aagaw-buhay sa bahay sa Fresno, California, pinagtabi ng kanilang mga anak ang kanilang mga hinihigaan at dahan-dahang ipinatong ang kamay ni 90-anyos na si Floyd Hartwig, sa palad ni Violet Hatwig, 89.


Naunang pumanaw si Floyd hanggang sa lumipas ang limang-oras ay dito na sumunod na nawalan ng hininga ang kanyang maybahay.


“They wanted to go together,” saad ng kanilang anak na babaen si Donne Scharton, sa ulat ng Yahoo.com.


Nagsimula ang pag-iibigan ng dalawa sa isang sakahan sa Central California nang magtagpo sila sa isang dance hall. Isang sailor o mandaragat si Floyd, na mahilig magpahiwatig ng kanyang nararamdaman kay Violet sa pamamagitan ng mga love letter, at siya naman ding nagkatuluyan at ikinasal noong Agosto 16, 1947.


Nagkaroon sila ng isang maliit sa sakahan at nag-negosyo ng bulak at pagpapalahi ng mga pabo. Tumutulong-tulong din si Violet sa kanyang mister at tuwing umaga’y walang mintis niya itong pinaghahanda ng almusal.


“They were dedicated to each other,” ani Scharton said. “Even other people who met them said they had that connection.”


Lumipas ang mahabang panahon ay nananatili pa ring matatag ang samahan ng mag-asawa at nabiyayaan pa ng 10 apo hanggang hanggang sa napag-alaman ng kanilang mga anak na malala na ang sakit na ‘dementia’ ni Violet, habng may dalawang linggo na lang ang itatal ni Floyd dahil sa ‘kidney failure.’


Dito na naratay ang mag-asawa. Ayon kay Cynthia Letson, Matapos mamaalam ni Floyd, sinabi ng kanilang pamilya na maaari na ring magpahinga si Violet at hinihintay siya ni Floyd hanggang sa makalipas ang ilang oras, pumanaw na rin si Violet habang hawak ang kamay ng asawa.


Ani Letson, ang kanilang lolo’t lola ang isang napakagandang halimbawa ng totoong pagmamahalan at tunay nag mag-asawa.


“It would be nice if the world got back to the core of marriage,” aniya. “I don’t think people realize that anymore. They need to go back to the basics that marriage is forever.”


.. Continue: Remate.ph (source)



Habangbuhay na pag-ibig…


Pacquiao kailangang ma-KO si Mayweather para manalo – Marquez

MANILA, Philippines – Kinakailangang ma-knock out ni Manny Pacquiao si Floyd Mayweather Jr. .. Continue: Philstar.com (source)



Pacquiao kailangang ma-KO si Mayweather para manalo – Marquez


Humarang sa pagsilbi ng arrest warrant, utas

DAHIL ipinain ang sarili para maharang ang pagsilbi ng arrest warrant laban sa kanyang kamag-anak, isang armadong lalaki ang napatay ng awtoridad sa Batangas, kaninang umaga (Pebrero 27).


Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan ang hindi nakikilalang suspek na armado ng cal. 45.


Sa ulat, naganap ang insidente dakong 5:15 ng umaga sa Bgy. Alalum sa San Pascual, Batangas.


Ayon kay Batangas Police director Sr. Supt. Jireh Omega Fidel, maghahain sana ng warrant of arrest ang kanyang mga tauhan laban sa isang residente sa lugar na nakilalang si Rommel Lopez.


Pero hindi pa man sila nakakarating sa bahay ni Lopez, pinaputukan na sila ng isang hindi kikilalang lalaki.


Bilang pagtatanggol, gumanti ng putok ang mga pulis at napabulagta agad ang suspek.


Hinala nila, maaaring kamag-anak ni Lopez ang kanilang napatay at kaya umano nakipagbarilan ito’y para mapigilan ang paghuli sa kanilang target. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



Humarang sa pagsilbi ng arrest warrant, utas


Jinggoy, nasa party din ni Enrile

DUMALO rin si Sen. Jinggoy Estrada sa pagdiriwang ng kaarawan ni Sen. Juan Ponce Enrile sa Philippine National Police (PNP) General Hospital noong Pebrero 14.


Ito ang kinumpirma ng anak ng 91-anyos na senador na si dating Cong. Jack Enrile at sabay na sinabi na hindi niya nakita si Sen. Bong Revilla.


“I was there and I saw Sen. Jinggoy. I did not see Sen. Bong. I will say that much. I was one of the first one to arrive and I was one of the last one to leave. Nung umalis ako… hindi ko nakita si Sen. Bong,” kwento pa ng batang Enrile.


Hindi naman aniya nagtagal si Estrada sa okasyon. “Just a few minutes. I think nagpa-checkup lang siya and he came over to greet the old man. Nagpa-check lang yata siya ng BP… He was a little busy so he did not stay that long.”


Pawang nakakulong sa Camp Crame ang tatlong senador dahil sa mga kaso kaugnay ng multi-bilyong pork barrel scam. Pero magkasama sina Estrada at Revilla sa PNP Custodial Center samantalang nasa PNP General Hospital si Enrile.


Una nang naging kontrobersyal ang umano’y pagtakas ni Revilla sa piitan para lamang dumalo sa kaarawan Enrile at humantong pa sa pagkasibak sa hepe ng PNP Headquarters Support Service (HSS). ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



Jinggoy, nasa party din ni Enrile


5 sundalo, lagas sa NPA

NAUBOS sa pag-atake ang limang sundalo habang anim naman ang sugatan nang ambusin ng mga miyembro ng New Peoples’ Army (NPA) sa Ilocos Sur nitong Huwebes ng gabi (Pebrero 26).


Hindi naman pinangalanan pa ang mga napatay at nasugatang mga sundalo alinsunod na rin sa standard operation procedure (SOP) na ipabatid muna sa kani-kanilang pamilya ang sinapit ng kanilang mahal sa buhay.


Inilatag na ng awtoridad ang hot-pursuit operation laban sa mga rebelde.


Sa ulat, naganap ang insidente dakong 8:35 p.m. sa Bgy. Namitpit, Quirino, Ilocos Sur.


Bago ito, sakay sa kanilang military truck ang mga biktima at pabalik na sa Philippine Army headquarters nang bulagain ng mga rebelde.


Dahil sa bilis ng pangyayari, halos hindi nakaganti ng putok ang mga biktima na pawang miyembro ng 81st Infantry Division ng Phillippine Army.


Ang nasabing lugar ay sinasabing ambush site ng mga rebelde o madalas na pinangyayarihan ng pananambang.


Ang bayan ng Quirino ay isa sa mga upland municipality sa probinsiya na malapit sa Mountain Province na ang ilang lugar doon ay kontrolado ng NPA.


Pinoproseso na ngayon ang pagbaba sa mga bangkay ng mga sundalo habang nilalapatan na ng lunas ang mga sugatan sundalo. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



5 sundalo, lagas sa NPA


ARMM official, todas sa Cotabato City ambush

NAGKABUTAS-BUTAS ang katawan ng isang opisyal ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) nang barilin ito sa Cotabato City kaninang umaga (Pebrero 27).


Hindi na umabot nang buhay sa Cotabato Emergency Specialist sanhi ng tinamong 11 tama ng bala ng cal. 45 sa dibdib at tagiliran ang biktima na si Norodin Manalao-Executive Director ng Regional Reconcialation and Unification Council (RRUC-ARMM).


Blangko pa ang Cotabato City Police Office kung sino ang nasa likod ng pang-aambush pero isa sa sinisilip na motibo ay may kaugnayan sa kanyang trabaho.


Sa ulat, naganap ang insidente 8:05 a.m. sa tapat ng Mega Market sa Cotabato City. Lulan umano ang biktima ng kanyang Mitsubishi Pajero at hinihintay ang kanyang asawang namimilli sa naturang palengke.


Pero habang nasa kanyang sasakyan, sinabi ni Cotabato City Police director S/Supt. Rolen Balquin na nilapitan ng suspek ang biktima saka malapitang pinutukan sa kinauupuan nito.


Ikinalungkot naman ni ARMM Gov. Mujiv Hataman ang sinapit ni Director Manalao na kilalang tagasulong ng kapayapaan sa rehiyon sa pamamagitan na rin ng pag-aayos ng mga rido o away-pamilya.


Inatasan na ni Cotabato City Mayor Japal Guiani ang pulisya para mahuli ang pumatay sa biktima na hinihinalang isang hired killer. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



ARMM official, todas sa Cotabato City ambush


House arrest ni Enrile, hiniling

NAKATAKDANG maghain ng resolusyon ang ilang kongresista para hilingin na isailalim sa house arrest si Senador Juan Ponce-Enrile.


Kinumpirma ni Isabela Rep. Rodito Albano na isang resolusyon ang kanyang ihahain sa Lunes, Marso 2, para hilingin sa Sandiganbayan na ipa-house arrest na lamang si Enrile.


Aniya, kanyang igigiit sa anti-graft court ang konsiderasyon sa kalagayang pangkalusugan ng 91-taong gulang na senador.


Kamakawala nang isugod si Enrile sa Makati Medical Center dahil sa pneumonia.


Nakasaad pa sa resolusyon ang mismong pag-amin ni PNP Health Servic spokesman Chief Insp. Raymond Santos na kulang sa mga pasilidad ang PNP General Hospital.


Si Enrile ay nahaharap sa mga kasong plunder at graft sa Sandiganbayan dahil sa pork barrel scam. MELIZA MALUNTAG


.. Continue: Remate.ph (source)



House arrest ni Enrile, hiniling


Doktor nagpatiwakal sa Maynila

TUMAGOS hanggang puso ang balang ipinutok ng isang 36-anyos na doktor sa kanyang sarili na natagpuan ng kanyang kasambahay sa loob ng comfort room kagabi sa Sampaloc, Maynila.


Sinasabing may problema ang biktimang si Raymond Yabut, walang asawa, doctor of medicine (general practice) kaugnay sa suspension order o pagpapasara ng kanyang klinika sa loob ng 90-araw na matatagpuan sa Greenhills, San Juan.


Si Yabut ay may rekord na nagsilbi sa clinic ng Perpetual Help Hospital at may clinic din umano sa Greenhills at residente ng no. 832 Sisa St., Sampaloc, Maynila.


Sa ulat ni SPO1 Charles John Duran ng Manila Police District-Homicide Section, alas-9:00 nang gabi nang sapilitang buksan ng kasamabahay ng biktimang si Maricar Andaya, 19, ang CR sa ikalawang palapag ng kanilang bahay at madiskubreng patay na si Yabut.


Matapos umanong tumawag ng kapatid ng biktima sa kasambahay upang i-check kung tulog na ang kapatid ay hindi nito nakita sa kuwarto ang biktima kaya pinuntahan nito sa CR na noo’y naka-lock.


Hindi naman ibinunyag kung ano ang dahilan ng suspension order sa klinika ng biktima. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


.. Continue: Remate.ph (source)



Doktor nagpatiwakal sa Maynila


KASALANG BAYAN

NASA 80 pares na magsing-irog ang nagsumpaan sa ginanap na ‘Kasalang-Bayan’ na pinamunuan ng Malabon City kaninang umaga saAmphiteater sa naturang lungsod. JAMES PARAGAS


.. Continue: Remate.ph (source)



KASALANG BAYAN


Kambal na lola nilooban, 1 patay, 1 kritikal

ISANG lola ang patay habang kritikal naman ang kakambal nito nang looban ng mga hindi nakilalang kalalakihan ang kanilang bahay sa Quezon City nitong Huwebes ng gabi (Pebrero 26).


Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong pinsala sa ulo ang biktimang si Purisima Toregrosa, 76, habang kritikal naman sanhi ng paghataw ng matigas na bagay sa ulo ang kakambal nitong si Pura, kapwa ng Talayan Village, Q.C.


Sa ngayon ay blangko pa ang mga tauhan ng QCPD-Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) kung sino ang may kagagawan ng krimen.


Sa imbestigasyon, isang anak ni Pura na si ‘Albert’ ang umuwi dakong 9:00 at nag-doorbell ito pero wala aniyang nagbukas ng gate.


Para hindi na makaistorbo pa, pumasok na lang siya at napansing bahagyang nakabukas ang pinto ng bahay.


Ilang sandali pa, nakita niya agad ang kanyang tiyahin na duguang nakahandusay sa sala at wala ng buhay.


Pagpasok naman niya sa kanyang kuwarto, nakita niya ang kanyang nanay na nasa ilalim ng kanyang kama na duguan din at nag-aagaw-buhay.


“May pasa ang mukha niya, maitim… parang pinukpok siguro,” ni Albert.


Agad namang humingi ng tulong si Albert sa mga barangay officials para madala ang kanyang nanay sa ospital.


Nang tanungin si Albert ay napag-alamang nawawala ang kanilang television set, palatandaan na pagnanakaw ang motibo sa karumal-dumal na krimen.


Ayon sa CIDU, hindi ito ang kauna-unahang may naganap na ganitong insidente sa lugar. Ilang taon na rin ang nakakalipas nang paslangin ang ilan sa mga kalapit na residente at sinunog pa ang bahay matapos pagnakawan. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



Kambal na lola nilooban, 1 patay, 1 kritikal


29 menor-de-edad, dinampot sa bar malapit sa DLSU

DINAMPOT ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang 29 menor-de-edad na umiinom sa bar malapit sa De La Salle University (DLSU) sa kahabaan ng Taft Ave., Maynila kagabi.


Isa sa mga nahuli ay kumpirmadong estudyante ng naturang unibersidad.


Nabatid na sinlakay ang tatlong bar sa lugar dahil sa impormasyon hinggil sa operasyon ng ilang bar malapit sa nasabing unibersidad na labis na nakaaapekto sa mga estudyante lalo na sa mga kabataang menor-de-edad.


Kakasuhan naman ng paglabag sa city ordinance ang tatlong bar na may kaugnayan sa mahigpit na pagbabawal sa pag-ooperate ng anomang establisyimento malapit sa mga eskuwelahan dahil nakasasama ito sa pag-aaral ng mga kabataan.


Kasamang sumalakay ng MPD ang Office of the Mayor at Department of Justice (DoJ). JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


.. Continue: Remate.ph (source)



29 menor-de-edad, dinampot sa bar malapit sa DLSU


Boko Haram, ISIS magsasanib

PINANGANGAMBAHAN ng Amerika ang pagsasanib-puwersa ng militanteng grupo na Boko Haram ng West Africa at ISIS militant.


Nakuha ng Amerika ang impormasyon makaraang magpadala ng tweet ang Boko Haram sa isang Jihadist media na nagagalak sila sa pagsasanib nila ISIS.


Nangangamba ang Amerika sa naturang balita dahil mas lalong titindi ang paghahasik nila ng terorismo.


Ayon na rin sa mga intelligence agencies, walang pinagkakaiba ang pinaglalaban ng mga grupo na parehas lamang naghahasik ng lagim. MARJORIE DACORO


.. Continue: Remate.ph (source)



Boko Haram, ISIS magsasanib


MILF, inabisuhang huwag makialam sa bakbakang AFP at BIFF

INATASAN na ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang kanilang mga fighters na umiwas sa pakikipagsagupaan sa tropa ng gobyerno at sa mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).


Ayon kay MILF chief peace negotiator, Mohagher Iqbal, nagbigay na ng direktiba ang kanilang chief na si Murad Ebrahim sa lahat ng field commanders matapos ipag-utos ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Gen. Gregorio Pio Catapang, Jr. ang all-out offensive laban sa BIFF.


Umaapela naman ang MILF sa militar na siguruhin ang seguridad ng mga sibilyan sa isinasagawang opensiba sa mga rebeldeng grupo.


Maayos naman umano ang koordinasyon ng AFP sa MILF sa isinagawang military operation para sugpuin ang BIFF.


Nangako si Iqbal sa AFP na tutulong ang mga ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormayon sa kinaroroonan ni Jemaah Islamiyah bombmaker, Basit Usman. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



MILF, inabisuhang huwag makialam sa bakbakang AFP at BIFF


MRT, nagkaaberya na naman

NAGKAABRERYA na naman ngayon ang Metro Rail Transit (MRT), Biyernes ng umaga.


Sa ulat, bigla na lang tumigil ang tren sa kalagitnaan ng biyahe patungong Ayala Avenue station Northbound alas-8:30.


“Biglang nagpreno, huminto. Halos tumilapon ‘yung ibang pasahero na katabi ko, then ilang segundo, umandar uli,” ayon sa pasahero.


Pagdating aniya sa Ayala station, inanunsyo ng driver na kailangan nang bumaba ng lahat ng pasahero.


Paliwanag naman ni MRT General Manager Roman Buenafe, napansin ng driver ang automatic train protection (ATP) signal na indikasyong may problema ang tren.


Minabuti na lang nilang ibaba ang mga pasahero sa pinakalamalapit na istasyon para tumuloy na sa kani-kanilang destinasyon. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



MRT, nagkaaberya na naman


Road repairs sa QC, lalarga ngayong weekend

MAHIGPIT na pinaiiwas ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga motorista sa apat na lansangan sa Quezon City.


Ito’y sa isasagawang repair at reblocking operations ng DPWH simula alas-10:00 mamayang gabi hanggang alas-5:00 ng madaling-araw sa Lunes, Marso 2.


Kabilang sa mga apektadong daan ay ang Mindanao Ave. mula Arty 2 hanggang Sauyo Rd-third lane, northbound at Batasan Rd. mula DSWD hanggang Payatas Rd.


May repair works din sa kahabaan ng Congressional Ave. Extn. mula Tandang Sora Ave. hanggang Luzon Ave. at C.P. Garcia Ave. mula Baluyot St. hanggang H.R Ocampo. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Road repairs sa QC, lalarga ngayong weekend


Taas-pasahe sa PNR, ‘wag apurahin — Riles Network

MAS mabuting idaan sa tamang proseso at ‘wag madaliin ang taas-pasahe sa Philippine National Railways (PNR).


Ito ang binigyang-diin ni Sammy Malunes, tagapagsalita ng Riles Network, kasabay ng pagsasabing dapat ayusin muna ang serbisyo bago ikasa ang fare increase.


Kung tutuusin, giit ni Malunes, malaking problema rin ang magulong sistema ng naturang transport system.


Magugunitang nitong nakalipas na mga araw ay inihayag ng PNR ang kanilang pagtataas ng pasahe. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Taas-pasahe sa PNR, ‘wag apurahin — Riles Network


Thursday, February 26, 2015

Mainit na panahon, asahan

NAITALA ang pinakamainit na panahon ngayong taon sa Metro Manila matapos bumulusok sa 33.5°C ang temperatura sa ilang lugar sa hapon kahapon.


Ayon sa PAGASA, asahan pa ang mas mainit na panahon pagpasok ng summer season sa ikalawa hanggang ikatlong linggo ng Marso.


Sa ngayon, hindi pa pumapasok ang summer season dahil hindi pa napapalitan ang Northeast monsoon o amihan ng easterlies.


Kasalukuyang nasa 33.4°C pa lamang ang average maximum temperature ang naitala ng PAGASA Science Garden sa Quezon City at sa Abril ay aasahang tataas pa ito nang hanggang 35°C. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Mainit na panahon, asahan


Publiko, pinag-iingat sa bagong strain ng HIV

NAGBABALA ngayon ang Department of Health (DOH) sa publiko na pag-ibayuhin ang pag-iingat sa bagong strain ng HIV.


Ayon sa DOH, karaniwang 7-taon ang ibinibilang bago tuluyang ma-develop ang HIV sa AIDS.


Pero ang bagong strain na natuklasan sa bansang Cuba na tinatawag na CRF-19, sa loob lamang ng 3 taon, igugupo na sa AIDS ang taong HIV positive.


Ipinalalagay ng DOH, may 12,000 Pinoy ang positibo na wala pa sa kanilang tala. JOHNNY MAGALONA


.. Continue: Remate.ph (source)



Publiko, pinag-iingat sa bagong strain ng HIV


1M pirma, kinakalap para magbitiw si PNoy

PATULOY ang pangangalap ng isang milyong pirma mula sa mga residente ng Quezon City ang ng alyansang Power QC para sipain at pababain sa puwesto si Pangulong Noynoy Aquino.


Sinabi ni Power QC convenor Prof. Malou Turalde, “Marami na ring mga issue na kinasasangkutan ang ating Pangulo at kumbaga kailangan na rin naming magsalita.


“Plano ng grupo ay kumalap ng isang milyong lagda, isang milyong sinatures to signify na may mga tao na ring diskontentado sa kanya (Aquino)… Gusto lang naming ipakita na from below, it is very palpable that there are people already na hindi na nagugustuhan ang nangyayari.”


Una na ring iginiit ng tagapasalita ng alyansa na si Atty. Anet Maguigad na kabilang sa “seven sins” Palasyo ang:


– umano’y maanomalyang Disbursement Acceleration Program (DAP);


– taas-pasahe sa Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT);


– kaliwa’t kanang demolisyon;


– K+12 program at pagtataas ng matrikula;


– dagdag-singil sa tubig;


– pagmahal ng singil sa kuryente; at


– sagupaan sa Mamasapano, Maguindanao na ikinamatay ng 44 pulis.


Patungkol naman ni Turalde sa mga nabanggit na pagkukulang umano ni PNoy, “Patong-patong na, one after the other, one bungle after another.”


Target din ng kampanya ng grupo na hikayatin ang ibang siyudad at bayan na maglunsad na kaparehong kampanya.


Nilinaw naman ng Power QC na hindi nila suportado ang pagpalit ni Vice-President Jejomar Binay bilang Pangulo sakaling mapatalsik si Aquino. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



1M pirma, kinakalap para magbitiw si PNoy


Mamasapano probe body humirit ng 1-week extension

MANILA, Philippines – Humingi ng isang linggong extension ang Board of Inquiry (BOI) ng Philippine National Police (PNP) para sa kanilang imbestigasyon sa Ma .. Continue: Philstar.com (source)



Mamasapano probe body humirit ng 1-week extension


Tax exemption kay Pacquiao isinusulong sa Senado

MANILA, Philippines – Sa bawat pagsalang sa gitna ng ring ni eight-division champion Manny Pacquiao ay dala niya ang buong Pilipinas, kaya naman nais ni Sen. .. Continue: Philstar.com (source)



Tax exemption kay Pacquiao isinusulong sa Senado


Pag-disqualify ng mga bidder, ikinababahala sa 2016 polls

HINDI na mapalagay ang Commission on Elections (Comelec) dahil sa posibleng pagkabinbin ng hanggang dalawang buwan ng timeline ng halalan kapag nagkaaberya sa pagkuha ng voting system para sa 2016 polls.


Ayon kay Comelec spokesman James Jimenez, ang target para sa lease contracts para sa direct recording electronic (DRE) at optical mark reader (OMR) machines ay sa susunod na buwan.


Gayunman, dahil sa disqualification ng mga bidders na Smartmatic at Indra Sistemas S.A. ay kailangan nilang i-adjust ang schedule.


Maalalang diniskwalipika ng Comelec Bids and Awards Committee ang dalawang bidders dahil sa “non-responsive financial proposals.”


Kapag hindi nakapagsumite ng motion-for-reconsideration ang dalawang kumpanya o hindi babaguhin ng BAC ang desisyon ay maaaring irekomenda sa Comelec ang deklarasyon ng “failure of bidding” at magpatupad ulit ng panibagong bidding.


Samantala, maaari pa rin namang sumali ang dalawang kumpanya sa bidding. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Pag-disqualify ng mga bidder, ikinababahala sa 2016 polls


Kris Aquino, dedma kay Tingting Cojuangco

BAGAMA’T may halong pagkainis at pagka-imbiyerna, wala umanong balak patulan ng TV host-actress na si Kris Aquino ang mga pasaring ng tiyahin niyang si Tingting Cojuangco.


Ito’y matapos sabihin ni Cojuangco sa isang blog entry na lilisanin niya ang Pilipinas kapag kumandidato si Kris na gobernador ng Tarlac sa 2016 elections.


Muling iginiit ng Presidential sister na hindi siya tatakbo sa public office. Ang kontrata raw niya sa mga endorsement ay nagbabawal sa kanyang kumandidato sa halalan.


Ayon pa kay Kris, nais niyang ituon ang oras sa mga anak na sina Josh at Bimby.


Sinabi ng tinaguriang ‘Queen of All Media’ na dedma na siya sa mga negatibong bagay kagaya ng pasaring ng tiyahin. Maliit aniyang bagay ito kung ang kapalit naman ay ang pagiging anak ni Cory Aquino.


Walang epekto ayon kay Kris ang mga paninira, sa matatag na samahan nilang magkakapatid.


Si Tingting Cojuangco ay maybahay ni Pepeng Cojuangco na kapatid ng dating Pangulong Cory.


Si Pepeng Cojuangco ay isa sa mga itinuturong nasa likod daw ng balak umanong kudeta laban sa Pangulong Noynoy Aquino kasunod ng pagkamatay ng 44 na miyembro ng Special Action Force (SAF) sa operasyon sa Mamasapano, Maguindanao noong January 25. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Kris Aquino, dedma kay Tingting Cojuangco


DOTA BILL NI GATCHALIAN

NAPAPANAHON ang paghahain ni Valenzuela City 1st District Congressman Win Gatchalian sa mababang kapulungan ng Kongreso ng House Bill 4740 na naglalayong malimitahan ang mga kabataan na makapasok at makapaglaro sa mga computer shop.


Sa pamamagitan ng HB 4740, pagbabawalan ang mga computer shop owner na magpapasok ng mga menor-de-edad simula 7:00 ng gabi hanggang 7:00 ng umaga tuwing Sabado, Linggo at Holidays.


Tatawagin ding “Internet CafĆ© Regulation Act” ang HB 4740 kung saan ay pagbabawalan din ang mga computer shop owner na magpapasok ng mga estudyante sa kanilang establisimyento sa oras na may pasok sa eskwelahan.


Sa ginanap na deliberasyon ng HB 4740, nakiusap si Gatchalian sa mga magulang na manmanang mabuti ang kanilang mga anak upang maiiwas ang mga ito sa pagka-addict sa mga online game tulad ng DotA (Defense of the Ancients), Counter-Strike at iba pa.


Ang aksyon na ito ng kongresista ay dahil na rin sa mga sunod-sunod na balita na may mga kabataan na nag-aaway dahil lamang sa paglalaro ng DotA na kadalasang nauuwi sa krimen na kinasasangkutan ng mga ito.


Matatandaan na noong Enero 5 ng kasalukuyang taon nang aprubahan ng Konseho ng Bgy. Salawag, DasmariƱas, Cavite ang Resolution 008-S-2015 na nagba-ban sa paglalaro ng DotA sa buong barangay matapos na magsaksakan ang dalawang teenager nang hindi magkaunawaan sa larong ito.


Noong isang taon din, sinaksak din ng isang 16-anyos ang kanyang kalaro sa DotA na 11-taong gulang lamang. Maging ang isang binatilyong kinagalitan ng kanyang lola dahil sa online games ay sinaktan ng 17-anyos sa Quezon City.


Ayon pa kay Gatchalian, ang pagiging addict ng mga kabataan sa computer games ay dahil hindi ito nasusubaybayan ng kanilang mga magulang. Natututo rin ang mga menor-de-edad na ito na makipagpustahan sa pamamagitan ng larong DotA.


Sa atin pang obserbasyon, kapag nagkapustahan na ang mga kabataang ito at natalo ang isa, kadalasan na nagkakaroon ng pagtatalo sa pagitan ng dalawa hanggang sa mauwi sa away at kung minsan ay nauuwi sa mabigat na krimen.


Alam naman nating lahat na sa pamamagitan ng computer at internet ay madali tayong nakakukuha ng impormasyon na ating hinahanap ngunit kung hindi babantayan ng kanilang mga magulang ang kanilang mga anak ay posible itong mauwi sa pagiging addict sa paglalaro ng online games at pagbubukas ng mga website na hindi angkop sa menor-de-edad.


Sa pamamagitan ng HB 4740, magkakaroon na ng limitasyon ang mga kabataan sa kanilang paglalaro ng anomang online game at sa tingin natin ay mababawasan na rin ang krimen na kanilang kasasangkutan dahil lamang sa larong DotA. ALINGAWNGAW/ALVIN FELICIANO


.. Continue: Remate.ph (source)



DOTA BILL NI GATCHALIAN


PROSTITUTION SA GOOD HOPE HOTEL, LANTARAN PA RIN

HANGGANG ngayon ay talamak pa rin ang bentahan ng sex sa Good Hope Hotel na ino-operate ng grupo ng isang alyas Apeng Sy sa Tetuan St. cor. Tomas Mapua, Sta. Cruz, Maynila.


Mula sa 2nd floor ng hotel ay matatagpuan ang Star Coffee Garden na kung titingnan ay sasabihin natin na isa lamang itong ordinaryong coffee shop na pinagdarausan ng mga transaksyon, meeting at iba pa.


Pero ‘wag ka, ang Star Coffee Garden, ay pinupuntahan ng mga manginginom dahil sa kakaibang style nito sa pagbebenta ng sex sa mga mahihilig na mga kalalakihan.


Sa pagpasok mo pa lang sa coffee shop ay sasalubungin ka na kaagad ng receptionist dito at saka aalukin ng ka-table ang kostumer.


Sa halagang P2,500 kasi ay pwedeng nang maka-sex ng kostumer ang ka-table nito.


Doon kasi sa tagiliran ng bahagi ng counter ng coffee shop ay may pintuan na papunta sa mga kuwarto na doon kinakasta ng kostumer ang kanyang naka-table.


Mula naman sa 3rd floor hanggang 5th floor ng hotel ay naroroon ang mga prostitute na ‘China girl’ na “exclusive” lang sa mga dayuhang Chinese.


Bukod sa Good Hope Hotel, kabilang din ang New Venice KTV sa Ongpin St., Sta. Cruz ang may lantaran na prostitution.


Ang grupo ni Apeng Sy ang responsable sa pag-o-operate ng prostitution sa Chinatown.


Walang magawa ang simbahan at iba pang mga cause-oriented para mapatigil ang lumalalang prostitution sa nasabing hotel.


LANTARAN ANG LOTTENG SA PASAY


Lantaran pa rin ang operasyon ng lotteng sa Pasay City. Ginagamit nina Roderick, Boy Corcuera at Len Aguado ang pangalan ng isang alyas Borbe sa operasyon ng kanilang pasugalan para makalibre sa intelihensya.


***

Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


.. Continue: Remate.ph (source)



PROSTITUTION SA GOOD HOPE HOTEL, LANTARAN PA RIN


KASO NI JINGGOY MASALIMUOT

NAKATANGGAP kamakailan ng matinding dagok sa kanyang legal battle si Senador Jinggoy Estrada matapos magpalabas ang 5th Division ng Sandiganbayan ng preliminary attachment at garnishment order laban sa kanyang mga pag-aari na aabot sa halagang P183-milyon.


Dahil sa nasabing utos ay hindi niya maaaring galawin o ‘di kaya ay ibenta ang kanyang mga pag-aari na kinabibilangan ng mga sasakyan, mga lupain, mga bahay, condominium units, shares of stocks at iba pa.


Ang nasabing halaga ay kumakatawan umano sa kinita ni Jinggoy bilang kickback mula sa kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF), base sa pakikipagkutsabahan niya kay pork barrel scam queen Janet Lim-Napoles.


Sinabi naman ng mga abogado ni Jinggoy sa pangunguna ni Atty. Alex Abastillas na iaapela nila ang kautusan, dahil anila ay wala itong basehan sapagkat hindi naman napatunayan ng prosekusyon sa pamamagitan ng mga ebidensya na kumita siya at nasangkot sa nasabing pork barrel scam.


Mabuti rin sigurong isipin natin na hanggang sa ngayon ay nililitis pa lang ang plunder case ni Jinggoy at base sa takbo ng mga pangyayari ay mukhang malayo pa ang tatakbuhin nito bago mabigyan ng pinal na resolusyon at hatol.


Sa mga nakaraang pagdinig ay paulit-ulit na itinanggi ni Jinggoy ang mga paratang laban sa kanya subalit hindi inalintana ng prosekusyon ang mga katibayang inihaharap niya.


Idiniriin din ng mga abogado ni Jinggoy na hindi dapat pansinin ng korte ang mga alegasyon ng prosekusyon sapagkat anila ay pawang mga hearsay o sabi-sabi lang ang inilalatag nilang mga ebidensya.


Para sa akin naman, bagama’t abala ngayon ang buong bansa sa pagsubaybay hinggil sa kahihinatnan ng kaso ng SAF Fallen 44, mabuti ring hindi natin makalimutan ang pagsubaybay sa mga kasong tulad ng kinakaharap ni Jinggoy at ng iba pang opisyal ng pamahalaan.


Obligasyon natin bilang mga mamamayan na abangan ang mga kaganapang ito sa korte at umaasa tayo na sana ay maging patas ang mga hukom sa pagtimbang sa mga ebidensyang inihahain ng magkabilang panig sa harap nila.


Sa ganoong paraan lang kasi natin masasabi na anomang hatol ang igawad ng hukuman ay naaayon ito sa tamang pangangatwiran at naihaing mga ebidensya at sa huli ay tunay ngang maisisilbi ang katarungan ng walang pag-aalinlangan. OPENLINE/BOBBY RICOHERMOSO


.. Continue: Remate.ph (source)



KASO NI JINGGOY MASALIMUOT


NTC WALANG KREDIBILIDAD

GUSTO ko na sanang maniwala sa ating mga mamamayan na sawang-sawa na rito kay PNoy at kinakailangan na itong patalsikin sa puwesto. Totoo naman kasi na sagad na sa buto ang kapalpakan nitong kasalukuyang administrasyon na siyang dahilan kung bakit nadisgrasya ang 44 na operatiba ng Special Action Force sa Mamasapano, Maguindanao.


Bilib na rin sana ako sa tapang nitong mga nananawagan para maglunsad ng panibagong “People Power” laban kay PNoy. Aba’y matindi, talagang ‘pag ‘di mo kilala ang mga taong gumagawa nito ay talaga namang iidolohin mo sila dahil sa kanilang kakaibang tapang at pagmamahal para sa bayan.


Ang problema nga lang, eh, matagal na nating buking ang tunay na hilatsa ng mga taong ito gaya na lamang nitong si dating Tarlac Congressman at kasalukuyang Philippine Olympic Commission President Jose “Peping” Cojuangco na tito ni PNoy.


Hindi nga kaya hanggang ngayon ay bokya pa rin ang bansa natin sa Olympics dahil sa mga katarandatuhang pinaggagawa nitong si Peping sa POC. Siya ang dahilan kung bakit magulo ang sports sa ating bansa gaya na lang itong pagkakawatak-watak nitong ating dragon boat team.


Ano naman kaya ang karapatan nitong si Peping na magngangakngak tungkol sa diumano’y kapalpakan ng kanyang pamangkin samantalang siya nga, eh, ni hindi niya maayos ang kanyang kakapiranggot na trabaho sa POC? Ano rin kaya ang karapatan ng bugok na ito na pumuna tungkol sa korapsyon samantalang napakaraming alingasngas ng katiwalian noong siya pa ay nakaupong kongresman ng Tarlac?


Hindi kaya kinikilabutan itong si Peping tuwing binabatikos niya ang kanyang sariling pamangkin dahil sa pagkakaalam ko, sa pagkatagal-tagal nang politiko ng ungas na ito ay mas marami pang nagawa para sa bayan ang kakilala kong janitor sa Libertad market.


Dahil sa mga taong pumapapel na gaya nitong si Peping at walang kahit katiting na kredibilidad itong tinatawag nilang National Transformation Commission na siya umanong magpapatakbo sa ating pamahalaan kung mapatalsik na itong si PNoy. Ang kakapal n’yo naman.


Sino naman ang sira ang ulo na sasama sa inyo? At ito namang mga pari na dapat sana ay nangunguna para turuan ang ating mga mamamayan upang magkaisa para sa ikabubuti ng ating bayan ay sila pa ang nangungunang magpabola sa mga taong gaya ni Peping. Hindi n’yo ba kilala kung sino ‘yang kinukuntsaba n’yo upang mang-agaw ng kapangyarihan?


Kulang-kulang na lang ang isang tao ay magkakaroon na ng halalan kaya itigil n’yo na ang inyong kalokohan. At kung sa tingin nitong si Peping ay suportado siya ng ating mga mamamayan, aba eh, by all means tumakbo siyang Presidente baka iboto siya ng mga taga-Mental.


****

Para sa inyong mga sumbong tungkol sa mga mali sa lipunan at mga tiwaling lingkod-bayan, mga komento at suhestyon ay mag e-mail lamang sa gil.bugaoisan@gmail.com. BIGWAS/GIL BUGAOISAN


.. Continue: Remate.ph (source)



NTC WALANG KREDIBILIDAD


PNoy nag-sorry sa trapik sa EDSA anniv.

MANILA, Philippines - Humingi ng sorry si Pangulong Aquino sa taumbayan sa idinulot na matinding trapik sa pagdiriwang ng EDSA People Power anniversary kamak .. Continue: Philstar.com (source)



PNoy nag-sorry sa trapik sa EDSA anniv.


Nobela bukas sa Palanca

MANILA, Philippines - Ang Carlos Palanca Foundation, Inc. .. Continue: Philstar.com (source)



Nobela bukas sa Palanca


3 lalaki, patay matapos umanong makipagbarilan sa mga pulis sa Bulacan

Nauwi sa barilan ang operasyon ng pulisya laban sa isang grupong sangkot umano sa iba't ibang krimen sa San Jose del Monte city sa lalawigan ng Bulacan. Ang lugar na sinakalay, tinatawag na "Kalye Demonyo" kung saan dalawang pulis ang pinatay noong Oktubre 2014. .. Continue: GMANetwork.com (source)



3 lalaki, patay matapos umanong makipagbarilan sa mga pulis sa Bulacan