Tuesday, December 2, 2014

UPDATE: Korean sailor patay, 52 crew nawawala pa rin

ISANG Korean sailor na ang kumpirmadong patay habang 52 crew pa rin ang patuloy na hinahanap sa lumubog na South Korean fishing vessel sa western Bering Sea


Sa ulat ng Sajo Industries, operator company ng lumubog na barko, walang panibagong na-rescue sa magdamag na search operation sa karagatan.


Nailigtas na rin ang tatlong Indonesians, isang Russian, at tatlong Pinoy.


Nasa 60 ang crew ng Oriong 501 na kinabibilangan ng 35 Indonesians, 13 mga Pinoy, 11 South Koreans at isang Russian.


Napag-alamang mangunguha sana ng isdang pollack ang crew ng nasabing barko nang lumubog ito sa gitna ng masamang panahon. MARJORIE DACORO


.. Continue: Remate.ph (source)



UPDATE: Korean sailor patay, 52 crew nawawala pa rin


No comments:

Post a Comment