Tuesday, December 2, 2014

Emergency powers kay PNoy, sinertipikahang ‘urgent’

IPINAHAYAG ngayon ng Kamara de Representantes na sinertipikahang urgent ang joint resolution na nagbibigay ng emergency powers kay Pangulong Noynoy Aquino.


Batay sa natanggap na sulat ni House Speaker Feliciano Belmonte na may petsang Nobyembre 27, sinabi rito na ang pagpasa ng resolusyon ang magiging susi para maresolba ang nakaambang krisis sa kuryente sa summer ng susunod na taon.


Binigyang-diin sa liham na magiging daan ang dagdag na kapangyarihan para makabili ang gobyerno ng karagdagang power generating capacities na gagamitin sakaling kapusin na ng suplay ng kuryente.


Kasunod nito, hinimok ni House Committee on Energy Chairman at Oriental Mindoro Representative Reynaldo Umali ang mga kasamahan sa kamara na agarang ipasa ang resolusyon. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Emergency powers kay PNoy, sinertipikahang ‘urgent’


No comments:

Post a Comment