Tuesday, December 2, 2014

Mag-ina ng ISIS leader, hawak ng Lebanese army

HAWAK ngayon ng Lebanese army ang misis at anak ni Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) leader Abu Bakr al-Baghdadi.


Kinumpirma ng Lebanese army na nahuli ng military intelligence ang mag-ina ng ISIS leader malapit sa border nila ng Syria matapos pumasok sa Lebanon bitbit ang mga pekeng dokumento.


Isang Iraqi national ang misis ni Baghdadi na ngayo’y kinikwestyon na ng defence ministry.


Si Baghdadi ay itinalaga bilang lider ng “caliphate” na itinayo ng ISIS sa mga kontrolado nilang lugar sa Syria at Iraq.


Noong nakaraang buwan nang mapaulat na nasugatan sa US airstrike si Baghdadi, bagay na itinanggi ng ISIS. MARJORIE DACORO


.. Continue: Remate.ph (source)



Mag-ina ng ISIS leader, hawak ng Lebanese army


No comments:

Post a Comment