Wednesday, December 3, 2014

Uge ayaw tularan si Ai-Ai

IKINAGULAT ni Eugene Domingo ang pagkakaroon ng 20-years old na boyfriend ng kaibigang Ai-Ai delas Alas. Pero biglang bawi ito at alam daw niyang kaya itong dalhin ng kaibigan.


“Kung saan siya masaya, masaya na rin ako bilang kaibigan. Tayo naman ay laging masaya sa kung anoman ang pasuking relasyon ni Ai-Ai..Nakatutuwa ngang makita si friend na laging masaya at nakangiti, ‘yung fresh na fresh ang aura. Para sa akin, deserve niya maging masaya kaya pabayaan na natin sila,” nakangiting say ni Eugene.


Hindi nga raw isyu kay Eugene kung young ang boyfriend ng kaibigan. Sa panahon daw ngayon ay wala na sa edad ang usapan kapag kayo ay ngmamahalan.


“Sa panahon ngayon, hindi na nagma-matter ang edad. Saka nasa legal age na ‘yung guy, ‘di ba? Maging open-minded na lang tayo sa ganyan. Tawag ‘yan ng pag-ibig kaya let them be happy,” pagdidiin pa nito.


When asked si Eugene kung may posibilidad ba na magmahal din siya ng mas bata sa kanya tulad nang nadamang pagmamahal ng kaibigan sa isang young guy, “Hindi ako mahilig sa bata, eh. Sa totoo lang. Hindi talaga. Mas type ko ‘yung older sa akin. Gusto ko ako ang bine-baby. Wala akong power na mag-alaga ng lalaking mas bata sa akin,” natatawang say pa ni Uge.


So, may posibilidad na magkaroon sila ng relasyon sa hinaharap ni Jose Manalo?


Wala naman daw imposible sa mundo. Kung kayo daw talaga ang nakatakda para sa isa’t isa ay mangyayari at mangyayari. TEKA MUNA/GERRY OCAMPO


.. Continue: Remate.ph (source)



Uge ayaw tularan si Ai-Ai


No comments:

Post a Comment