NASA hot water ang isang pulis matapos mahuli sa akto kasama ang katropa nito habang bumabatak sa loob ng bahay ng huli sa Malabon City, Martes ng umaga, Dec. 2.
Kinilala ni Malabon police chief, Sr. Supt Severino Abad ang suspek na si PO3 Rommel Garcia, 39, ng Lot, B-12. Bgy. Tanza, Navotas City ay nakatalaga sa Caloocan City Police at katropa nitong si Reynil Molina, alyas ‘Bong,’ 47, ng Leoño St., Bgy. Tañong ng nasabing lungsod na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
Batay sa ulat, ni P/S.Insp. Timothy Aniway, hepe ng Malabon Police, Anti-Illegal Drug – Special Operation Task Group (AID-SOTG), dakong 11:30 ng umaga nang salakayin ng kanyang mga tauhan ang bahay ng suspek sa nasabing lugar.
Bago ito, isang tip ang natanggap ng mga awtoridad na may nagaganap na pot session sa lugar dahilan upang agad na ikasa ang operasyon at maaktuhan ang dalawang suspek habang humihithit ng shabu.
Dito na agad dinamba ang mga suspek na hindi na nagawang manlaban at makuha sa pag-iingat ng mga ito ang sari-saring paraphernalia at mga ipinagbabawal na droga.
Nakuha rin kay Garcia ang service firearm nito na isang .9mm Pietro Berreta na may anim na bala. ROGER PANIZAL
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment