Wednesday, December 3, 2014

Share na agad sa kama!

MUKHA ngang madaling naging comfortable sa isa’t isa sina Jennylyn Mercado at Derek Ramsay sa first team-up pa lamang nila, sa “English Only Please,” entry ng Quantum Films sa Metro Manila Film Festival (MMFF) simula sa December 25. Nagkabiruan agad ang dalawang lead star sa mga entertainment press nang tanungin sila tungkol sa kanilang working relationship.


“Since day one of the shooting, she offered her bed with me, parang matagal na kaming magkakilala,” sagot ni Derek. “Ang ibig kong sabihin, nandoon kami sa standby room, at ang naroon lamang ay isang kama, kaya she shared her bed with me. She’s so sweet. Saka hindi naman siya nakahiga sa kama nang tumabi ako.”


“Wala po namang malisya,” natatawang sagot ni Jennylyn. “Totoo po, comfortable kami agad sa isa’t isa. Makwento siya, mabait, very gentleman, masaya sa set at tuwing darating siya may dalang Dunkin Donuts. Iisa ang pinag-uusapan namin, sports dahil pareho kaming mahilig dito. That time na nagsimula kaming mag-shooting ng English Only, Please, alam naming may pinagdaraanan siya pero napaka-professional siya, hindi mo siya makikitaan na nanahimik, lagi siyang okey.”


Light romantic comedy ang movie na dinirek ni Dan Villegas at first movie na gagawin nina Jennylyn at Derek na madalas ay sa mga drama movies and soap operas napapanood.


Ayon sa mga writers, tiyak na makaka-relate ang mga manonood dahil kinuha nila ang parts of the script sa mga friends nilang naka-experience ng mga ganoong kwento. Isa pa, makikita raw ang chemistry nina Derek at Jennylyn, bagay sila.


Tampok din sa movie sina Kean Cipriano, Cai Cortez, Alex Medina, Ian de Leon at may mga cameo roles sina Tom Rodriguez, Lyn Ynchausti-Cruz (yes, the wife of Tirso Cruz III), Alris Galura, Quark Henares. Binigyan na ito ng Parental Guidance (PG) classification ng MTRCB.


* * *


Sikat na nga si Alden Richards dahil may mga tao nang patuloy na naninira sa kanya.


Natawa kami nang mabasa namin na hindi raw pinagkaguluhan si Alden nang mag-attend ito ng Hanoi International Film Festival sa Vietnam last week dahil hindi siya kilala roon. At kinawawa pa raw ang kanilang team kaya nakipagtarayan pa ang kanyang handler. Kilala naming mabait at tahimik ang handler ni Alden at alam naming hindi niya kayang makipagtarayan, lalo pa at nasa ibang bansa sila.


So blessed si Alden sa mga nangyayari sa kanya ngayon at hindi siya mag-i-entertain ng mga negative issues. Thankful siya for the experience na nakadalo sa festival, kasama ang director niyang si Adolfo Alix, as representatives ng short film nilang “Kinabukasan” na first time niyang nakatrabaho ang Superstar na si Nora Aunor. At iyong ma-nominate lamang siya is honor enough for him, hindi man siya nanalo.


Nagpasalamat din si Alden sa GMA dahil pinayagan siyang makaalis sa taping ng “Bet Ng Bayan” at first time din niyang nakarating ng Hanoi, Vietnam. FRONT SEAT/NORA V. CALDERON


.. Continue: Remate.ph (source)



Share na agad sa kama!


No comments:

Post a Comment