ISANG matinong traffic management system ang kailangan sa Metro Manila.
Lahat na yata ng traffic management experiment ay inilunsad na ng Metro Manila Development Authority lalo na sa panahon nina Bayani Fernando at Francis Tolentino pero ‘di sila nagwagi.
Ang kapalpakang ito ay hindi lamang kasalanan ng MMDA. Damay rito ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Transportation and Communication.
Noong araw, ang akala ng ating mga tagapamahala ay number coding ang sitwasyon sa malalang traffic ngunit mali sila. Sa halip na mabawasan ang dami ng mga sasakyan, private man o public, ay lalong sumama ang traffic.
Nang pumalpak ang number coding ay sinisi naman nila ang daming mga bagong sasakyan na naglipana sa ating siyudad. Phaseout ng mga lumang sasakyan ang sumunod nilang panukala, isang bagay namang hindi nila maipatupad.
Ngayong Kapaskuhan, muli nilang nire-revive ang mga Christmas lane na isang uri ng re-routing sa mga napakasikip na lansangan ng Metro Manila. Ngunit mahirap itong ipatupad dahil sa mga kalye nating ginawang iligal parking spaces ng mga naninirahan doon.
Binago na rin nila ang operating hours ng mga shopping mall magmula 11 a.m. hanggang 11 p.m. Hindi ba nila alam na talaga namang kakaunti ang mga pumupunta sa mall sa umaga?
Ang traffic jam sa umaga ay hindi dahil sa mga mall kundi sa dami ng mga traffic violator, lalo na ang mga jeep at bus driver. Sila ay walang pakundangan sa pagbabalewala sa traffic regulations.
Sa hapon naman ay lalong lumalala ang traffic situation dahil bukas ang mga mall hanggang 11 p.m. Ang bagong schedule na ito ng mga shopping mall lalo na sa kahabaan ng EDSA ay sure-fire na formula para lalong magkasikipsikip ang traffic.
At huwag nating kalimutan ang DPWH at kanyang mga kontratista na walang habas sa paghuhukay sa ating mga lansangan na para bagang sila ay may treasure hunt. DEEP FRIED/RAUL VALINO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment