UTAS ang isang taxi driver matapos pagsasaksakin ng kanyang kabarangay na basurero habang nagpapahinga sa loob ng isang tricycle sa Quezon City kaninang madaling-araw, Disyembre 26, Biyernes.
Kinilala ni chief inspector Rodel Marcelo hepe ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) ang biktimang si Roberto Bergonia,40,may-asawa.
Si Bergonia ay nasawi noon din dahil sa tinamong saksak sa dibdib at ulo.
Tumakas naman ang suspek na si Jhibel Avilla, 38, scaveger walang permenenteng tirahan.
Sa ulat, naganap ang insidente sa Kalayaan Ave., Sikatuna Village, QC dakong 1:00 ng madaling-araw.
Nabatid na nakaupo ang biktima sa loob ng isang tricycle at nagpapahangin kasama ang witness na si Imelda Monanes nang biglang dumating ang suspek.
Agad bumunot ng patalim ang suspek at walang sabi-sabing inundayan ng saksak ang biktima sa dibdib at ulo.
Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek at iniwan ang duguang biktima. SANTI CELARIO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment