Friday, December 26, 2014

Sugalero binaril sa ulo, tigbak

PATAY ang isang 36-anyos na lalaki matapos barilin ng isang hindi nakilalang suspek habang naglalaro ng video-karera sa Tondo, Maynila.


Kinilala ang biktima na si Elmer Bulusan, 36, ng 566 Kahanding St. Tondo, Maynila.


Nakatakas naman ang hindi nakilalang suspek na responsable sa pagpatay sa biktima.


Ayon sa imbestigasyon ni SPO1 Rommel del Rosario, ng Manila Police District-homicide section, naganap ang pamamaril alas-5:30 kahapon malapit sa tulay ng C2, Capulong River Side, Tondo, Maynila.


Nauna rito, naglalaro umano ang biktima ng video-karera kasama ang ilang bystanders nang biglang pumasok ang suspek at walang sabi-sabing nagpaputok ng baril kung saan tinamaan ang biktima sa ulo.


Nang matiyak na napuruhan ang biktima ay mabilis na umalis ang suspek dala ang ‘di batid kalibre ng baril.


Dinala ang bangkay sa St. Rich Funeral Home para sa awtopsiya.


Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang salarin. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


.. Continue: Remate.ph (source)



Sugalero binaril sa ulo, tigbak


No comments:

Post a Comment