UMAABOT sa 16 katao ang nasakote ng mga awtoridad kabilang ang Brgy. Tanod na nahuling nagsusugal sa lungsod ng Naga.
Ito’y kasunod sa isinagawang raid pasado alas-11:00 kagabi sa Bgy. Dayangdang sa nabanggit na lungsod.
Ayon kay P/Insp. Louie Ordoñez, nabatid na naaktuhan ng mga pulis ang mga suspek na nagka-cara y cruz.
Kabilang sa mga nahuli ay ang dalawang menor-de-edad, isang babae at isang aktibong barangay tanod sa lugar na kinilalang si Arnulfo Cavite.
Subalit maliban sa mga perang ginamit sa sugal, nakakuha rin ng shabu at ilang drug paraphernalia sa lugar.
Bunsod nito, isasailalim muna ng PNP sa drug test ang mga suspek at kung sino ang magpositibo ay siya ang kakasuhan ng paglabag sa RA 9165 ngunit lahat sila ay sasampahan ng kasong paglabag sa PD 1602. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment