IPINAHAYAG ng PAGASA na posibleng maging bagyo ang binabantayang low pressure area (LPA) sa Silangan ng Mindanao.
Sinabi ni PAGASA weather forecaster Jun Galang na ito’y dahil sa muling pag-reorganize ng kaulapan nito.
Huling namataan ang LPA sa layong 1,230 kilometro silangan ng Mindanao.
Posibleng ngayong araw na ito hanggang bukas papasok na ito ng Philippine area of responsibility (PAR).
Pero maging bagyo man o hindi, habang papalapit ang LPA ay asahan ang pag-ulan sa mga susunod na araw sa Eastern Visayas at Eastern Mindanao.
Samantala, makakaranas ngayong Biyernes ang Bicol Region, Visayas at Aurora province, Quezon, Marinduque at Romblon ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan at pagkidlat-pagkulog.
Mahinang pag-ulan naman ang aasahan sa Cagayan Valley, Cordillera, Ilocos region at nalalabing bahagi ng Central Luzon.
Sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa, may mga pulo-pulong pag-ulan at pagkidlat-pagkulog pa rin. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment