TINATAYANG aabot sa P10-milyon ng mga ari-arian ang tinupok ng apoy sa bayan ng Bangued, Abra kahapon ng madaling-araw.
Kwitis ang itinuturong sanhi ng naturang sunog sa Bgy. Ubbong sa naturang bayan na nagsimula ala-1:00 ng umaga.
Sa inisyal na imbestigasyon, pinaniniwalaang bumagsak ang baga ng kwitis sa mga plastic na tubo na siyang pinagmulan ng apoy.
Dahil dito, nagbabala ang awtoridad na maging maingat sa paggamit ng kwitis lalo na ang mga paputok na pinagsisimulan ng sunog. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment