PUMASOK na sa Philippine area of responsibility (PAR) ang isang binabantayang low pressure area (LPA) na nasa silangan ng Mindanao.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ito ng alas-10, Biyernes ng umaga sa layong 860 kilometro silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Inaasahang sa susunod na mga oras, magdadala ang sama ng panahon ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa Eastern Visayas, Caraga, at Davao Region.
Una nang sinabi ng PAGASA na dahil sa muling pag-reorganize ng kaulapan ng LPA, hindi tuluyang inaalis ang posibilidad na maging isa itong maging ganap na bagyo.
Sakaling maging bagyo, tatawagin itong “Seniang.” ROBERT TICZON
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment