Wednesday, December 3, 2014

Nanatili ang trauma…

TYPE munang tikman ni Toni Gonzaga si Coco Martin bago sila ikasal ni Direk Paul Soriano.


Kamakailan, naikwento ng “Home Sweetie Home” actress na pinag-usapan nila ni Direk Paul ang tungkol sa future nila nang kumain sila sa isang restoran. Kamakailan lang daw ito after na manggaling sa Macau si Direk Paul at nanood ng laban ni Manny Pacquiao.


Kasama na rin sa usapan nila ang pagpapakasal.


Hindi lang alam ni Toni kung magaganap ito sa 2015. Basta’t gagawin daw muna niya ang movie nila ni Coco na kung saan ay siya ang naghatag ng story sa Star Cinema nang malaman niyang pagtatambalin sila. Actually, nakyutan din daw si Coco sa nasabing istorya.


‘Yun na!


-0o0-


Hindi pa rin naaalis ang trauma kay Meg Imperial pagkatapos manakawan ng dalawang beses na magkasunod sa kanilang bahay. Hindi raw nila napansin.


“Pinapa-investigate na siya ngayon, naka-file na ang report kung ano nangyari pero hanggang ngayon wala pa rin. Sana maayos na. Nakakatakot kasi parang kabisado na niya bahay naming at mga tao doon. Parang naobserbahan na kami ng matagal. Nakakagulat kasi maaga siya pumasok, mga 11 PM ng gabi siguro iyun, kaya mom ko lang ang nakuhanan niya ng gamit. Kasi ang mom ko madalas sa salas natutulog kaya ‘yung bag ng mom ko ang nakita,” kwento ni Meg.


Nagpalit na raw sila ng lock ng bahay at may bantay na. Wish niya ay hindi na maulit ang nangyari.


Anyway, nagsimula na ang shooting ng pelikula niya sa Star Cinema kasama sina Sam Milby at Coleen Garcia entitled “Ex With Benefits” nu’ng November 26. Nagyaya rin si Sam na mag-bonding sila kasama si Coleen para mas kampante sila sa shooting.


“Okay po sya actually. We get to know each other. Sharing, games, etc.,” maikling kwento ni Meg.


Mababasa rin sa post ni Meg sa kanyang Facebook Account “Fun night! We started around 7:30PM and done by 5AM. Solid bonding! I really enjoyed it! I think our shoot will gonna be awesome! Oh! Sam Milby is such a great host. Direk Gino is so cool, Coleen is nice same with Ate Jane and Jeff. ?#?exwithbenefits ?#?bonding”.


Pak! XPOSED/ROLDAN CASTRO


.. Continue: Remate.ph (source)



Nanatili ang trauma…


No comments:

Post a Comment