Wednesday, December 3, 2014

QC gov’t inspector, pahinga muna sa inspeksyon

UPANG hindi makapangotong sa Kapaskuhan, pinadidistansya muna ang government inspector sa Quezon City sa paglalatag ng mga inspeksyon sa mga establisyimento ng hanggang Enero 2.


Nilagdaan ni Mayor Herbert Bautista ang Office Order No. 147, na nagbabawal sa mga city government inspectors at ang mga sangkot sa eksaminasyon o inspeksyon sa mga business establishments sa panahon ng Kapaskuhan.


Kinansela ang lahat ng nakabinbing Letters of Authority at Letters of Confirmation, habang ang pag-iisyu ng bagong Letters of Authority at Letters of Confirmation ay suspendido hanggang “further notice.”


Gayunman, sinabi ni Bautista na ang inspections at examinations ay papayagan “upon prior clearance” mula sa Office of the Mayor, at “on a case-to-case basis” at sa interes ng serbisyo. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



QC gov’t inspector, pahinga muna sa inspeksyon


No comments:

Post a Comment