NAGBABALA ang Department of Health (DoH) sa publiko lalo na sa mga konsyumer hinggil sa food poison ngayong Pasko.
Ayon kay Dr. Lyndon Lee Suy, tagapagsalita ng DoH, karamihan sa naitatalang mga kaso ng cardiovasvular at diarrhea ay tumataas tuwing sumasapit ang Christmas season mula sa mga pagkaing Pinoy.
“Part of the fun of Christmas and the holiday season is catching up with family and friends and helping out by sharing dishes. However, transporting riskier foods can be dangerous especially at this time of the year when several generations get together. Young children, the elderly, those with compromised immune systems and pregnant women can be severely affected by food poisoning,” paliwanag ni Lee Suy.
Aniya pa, kapag tinanggal na sa refrigerator ang pagkain ay madali na itong kapitan ng bacteria na nagiging sanhi ng food poisoning.
Pinayuhan naman ni Lee Suy ang publiko na maiging magdala ng pagkain na hindi madaling masira kapag mamasyal.
Mabuti rin aniyang ang mga pagkain na pwedeng pangmatagalan at hindi na kailangan pang lutuin ay tulad ng cake, biscuit at Christmas puddings.
“If they like to cook they can always come earlier and help you in your kitchen. Make sure your kitchen and utensils are clean and that everyone washes and dries their hands before handling food,” dagdag pa nito.
Sinabi pa ni Lee Suy na ang mga pagkaing tira ay agad na ilagay sa ref at kapag na-expose naman ito ng mahigit apat na oras ay kailangan na itong itapon. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment