NANATILING nasa alert level 3 ang bulkang Mayon sa Albay, Bicol kaninang umaga Disyembre 3, Miyerkules.
Ayon kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) director Renato Solidum, patuloy na unstable ang kondisyon ng naturang bulkan nang magpakita ito ng pamamaga ng lupa dulot ng pag-akyat ng magma sa bunganga nito.
Nabatid sa Phivolcs na sa nakalipas na 24 oras, patuloy pa rin ang pagluwa ng puting usok at nakapagtala din ito ng paglabas ng may 231 tonelada ng asupre.
Hindi naman kinakitaan ng crater glow ang bungabunga ng bulkan pero nakaramdam ng limang volcanic quakes at isang rockfall event.
Patuloy ding pinaalalahanan ang publiko na huwag papasok sa loob ng 6-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ) at 7-kilometer Extended Danger Zone (EDZ) sa may timog-silangang bahagi ng bulkan dahil sa banta ng pagbagsak ng bato at inaasahang pagsabog anomang araw mula ngayon. SANTI CELARIO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment