Wednesday, December 3, 2014

Pupil, utas sa rabies

SAN CARLOS, PANGASINAN – Matapos makagat ng aso isang buwan na ang nakakaraan, isang Grade V pupil ang namatay sa San Carlos sa nasabing lalawigan.


Nakilala ang biktimang si Maribel Alanzalon, ng nasabing bayan.


Sa report kaninang umaga, December 3, si Alanzalon ay dinala sa San Carlos City Health Office para mabigyan ng anti-rabies.


“Nanginginig siya, ayaw niya ‘yung hangin,” ayon sa ina niyang si Myrna.


Ngunit ayon kay San Carlos City Health officer II Dr. Edwin Guinto, binigyan na ang biktima ng anti-tetanus medicine ngunit hindi nito kinaya rabies sa kanyang katawan.


Ayon pa sa ulat, nasa 2,000 dog bites ang naitala sa San Carlos City noong 2013.


Samantala, patuloy pa ang pangangampanya ng San Carlos laban sa rabies.


“Walang gamot, ‘pag ito ay nagpakita na ng sintomas, walang gamot ‘yan,” ani Guinto. ALLAN BERGONIA


.. Continue: Remate.ph (source)



Pupil, utas sa rabies


No comments:

Post a Comment