Wednesday, December 3, 2014

Ex-TV host, biktima rin ng pang-aabuso ni Adriatico

ISA pang motorista ang lumutang at ibinida ang natikman niyang masamang asal ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) traffic constable Jorbe Adriatico.


Ayon sa motoristang si Ira Panganiban, dating ABS-CBN television host, hinuli rin siya ni Adriatico at tinangkang kunin ang kanyang identification card (ID).


Hinamon pa siya umano ni Adriatico na magsuntukan at tinangka ring kunan siya ng video, ayon pa kay Panganiban.


“‘Bakit mo ako sinusunggaban?’ Sabi niya gusto niyang makita ang ID. Sabi ko, ‘Ayan, tingnan mo, huwag mong agawin,'” sagot niya, “‘Yabang-yabang mo, gusto mo, bumaba ka na lang diyan, magsuntukan tayo.'”


Naganap aniya ang insidente nang parahin siya ni Adriatico habang kumakaliwa sa Araneta Ave. mula sa Quezon Ave., na balwarte ng naturang traffic constable.


Lumutang si Panganiban matapos ang insidente ng pananapak ni Joseph Russel Ingco, driver ng Maserati sports car kay Adriatico. Ayon kay Ingco, si Adriatico din ang agresibo.


Nauna nang lumutang ang isang abogadong babaeng motorista at nagpahayag na nakaranas din siya ng pang-aabuso ni Adriatiaco.


Pinabulaanan naman ni Adriatico at ng kanyang supervisor na si Hilario Atencio ang nasabing alegasyon.


Maliban kay Panganiban at sa abogado, isa pang motorista ang umakusa kay Adriatico ng pang-aabuso sa kanyang posisyon. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



Ex-TV host, biktima rin ng pang-aabuso ni Adriatico


No comments:

Post a Comment