Wednesday, December 3, 2014

Japanese national kalaboso sa shabu

SWAK sa kulungan ang isang 60-anyos na Japanese national matapos madakip ng pinagsanib na Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at mga pulis sa isinagawang buy-bust operation sa La Union nitong nakalipas na Nobyembre 28, 2014, Biyernes.


Kinilala ang suspek na si Tomoaki Ishii, may-asawa, ng Apartment No. 5, Oceana Apartment, Bgy. Carlatan, San Fernando, La Union.


Nabatid sa PDEA na bago maghatinggabi nang madakip ng mga operatiba ng PDEA Regional Office 1 (PDEA RO1) sa ilalim ni Director Adrian Alvariño sa pakikipagtulungan ng San Fernando City Police Station ang suspek na si Ishii matapos pagbilhan ng dalawang plastic sachets ng shabu ang isang nagpanggap na poseur buyer.


Sa isinagawang operasyon, nahulihan pa ng isang piraso ng rolyo ng aluminum foil at 10 piraso ng foil strips ang suspek.


Kasalukuyang nakapiit ang suspek at nahaharap sa kasong kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II of Republic Act 9165, na mas kilala sa The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. SANTI CELARIO


.. Continue: Remate.ph (source)



Japanese national kalaboso sa shabu


No comments:

Post a Comment