SINIBAK sa puwesto ang isang pulis-Maynila matapos magpaputok ng kanyang baril sa kabila ng mahigpit na babala matapos ang pagseselyo ng kanilang mga baril noong Lunes ng umaga.
Nabatid na lasing at galing sa Christmas party ng anak ang pulis na si PO2 Argel Baliccud.
Base naman sa kuha ng closed-circuit television (CCTV) camera sa Binondo nitong Lunes ng gabi, kitang-kita na nakikipagtalo si Baliccud sa isang babae na umano’y misis nito hanggang sa hampasin nito ng helmet.
Kasunod nito ang pagtutok ng baril sa ere at saka nagpaputok ng walong beses dahilan para matakot ang mga tao.
Napag-alamang gusto ni Baliccud na bumalik sa party ng kanyang anak subalit dahil sa kalasingan ay pinigilan ito ng kanyang misis hanggang sa magalit at magwala.
Nakatakda namang ipatawag ng Manila Police District (MPD) si Baliccud para magpaliwanag.
Sasampahan ng kasong kriminal si Baliccud, ayon na rin kay MPD Public Information Offfice (PIO) Supt. Marissa Bruno. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment