TINATAYANG 10 katao ang sugatan makaraang maputukan ng piccolo sa pagdiriwang ng Pasko kagabi sa Cagayan de Oro.
Nabatid na pito sa mga biktima ay isinugod sa J.R. Borja City Memorial Hospital na pawang mga nagtamo ng mga sugat sa kanilang mga kamay.
Kinilala ang mga itong sina Mark Jun Bernaldes, Joel Badilla, Meja Mesina, Jodel Dabatian, John Anthony Rosil, Prince Cyrus Dagani at Ivan Quisala na lahat ay mga menor-de-edad.
Habang ang tatlong biktima naman ay dinala sa Northern Mindanao Medical Center na sina Trina Chan, 11, ng Montalban St. at John Jarred Banales na mga residente sa lungsod. MARJORIE DACORO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment