ISANG lalaki ang tinamaan ng ligaw na bala sa Purok 2, Bgy. Ong Yui, Butuan City.
Hanggang nghayon ay blangko pa ang mga awtoridad at pamilya ng lalaking kinialalang si Joseph de la Cruz, 29, ng Purok Uno, Bgy. Talo-ao, bayan ng Buenavista, Agusan del Norte kung sino ang suspek at ano ang motibo kaninang ala-una ng madaling-araw sa naturang lugar.
Ayon sa kaibigan ng biktima na si Loloy Sagura, pauwi na sila sakay ng motorsiklo kasama ang isa pa nilang kaibigan na si Jury.
Bababa sana ang biktima para bumili sa tindahan nang bigla nitong napansing may tumama sa kanyang likod hanggang sa nakumpirmang bala nga ang tumama sa kanya.
Nasa delikadong kalagayan ang biktima lalo na’t hindi kaagad naasikaso sa pinagdalhang pagamutan. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment