Monday, December 1, 2014

PONG BIAZON SA SENADO

MARAPAT lamang nating ibalik ang matapat at may prinsipyong senador na si Pong Biazon sa Senado.


Kakaiba kasi ang estilo ng mama sa paglilingkod-bayan kahit sa pagsisiwalat ng mga isyu sa Mataas at Mababang Kapulungan.


Bukod kasi sa may angking karisma ang matandang Biazon ay mayroon rin itong estilo na kakaiba na kahgit galit ka na ay hindi ka pa rin makukuhang mapikon sa dating heneral ng bansa.


Hindi katulad ngayon na kung saan sa halip na umangat ang rating nina Senador Alan Cayetano at Antonio Trillanes sa taumbayan ay lalo pa itong bumagsak dahil alam ng mamamayan ang kanilang motibo at higit sa lahat ay ayaw ng madla ang estilong nambubuli.


Malinaw na maganda ang track record ni Pong Biazon sa Senado at iyan ay pinatunayan ng kanyang mga nagawang batas tulad ng Anti-Trafficking in Persons Act; batas na nagrereporma sa pagpaparenta; batas para sa modernisasyon ng Armed Forces; batas na nag-amyenda sa membership ng Pag-IBIG Fund, batas sa pagtatayo ng UP Mindanao, batas na nagtatag ng Caraga Region at iba pa.


Maliwanag sa adbokasiya ni Pong Biazon na ang lahat ng problema ay kanyang tinutugunan at iyan ang pangunahing dahilan para ibalik siya sa Senado.


Nagmula sa hirap at alam ang buhay ng mahirap kaya’t salat niya ang problema ng mga anak-pawis na dapat gawing prayoridad ng pamahalaan.


Maging sa pagiging sundalo bagaman Class goat ng kanyang klase sa PMA ay pinatunayan niyang kaya niyang pamunuan ang buong Sandatahang Lakas ng Pilipinas na siyang nagdala sa kanya sa Senado dahil sa pagtatanggol niya sa ilang kudeta kay dating pangulong Cory Aquino.


Malinaw na may dedikasyon at tapang sa tamang adhikain ang matandang Biazon at iyan ang dapat nating panghawakan para ibalik natin siya sa Mataas na Kapulungan.


Pera ang kakulangan ng matandang Biazon at iyan ang ating pagtulungan dahil uhaw na ang abyan sa tunay na lingkod-bayan. ALINGAWNGAW/ALVIN FELICIANO


.. Continue: Remate.ph (source)



PONG BIAZON SA SENADO


No comments:

Post a Comment