NAKAHANDA ang Philippine National Police (PNP) na tumulong sa panukala ni Senador Vicente Sotto III hinggil sa third party fact finding committee para imbestigahan ang mga anomalya sa New Bilibid Prisons (NBP).
Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. Wilben Mayor, welcome sa kanila ang naturang imbestigasyon para mapanagot ang responsable sa mga anomalya sa NBP.
Kabilang sa mga inirekomenda ni Sotto na maging bahagi ng komite sina dating Supreme Court Chief Justice Reynato Puno, dating Caloocan City Congressman Luis Baby Asistio at dating Senador Panfilo Lacson. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment