Friday, December 26, 2014

Rider, tigbak sa truck

BINMALEY, PANGASINAN – Isang ama ang papauwi na sana sa kanyang pamilya bago ang Christmas Eve ang patay matapos bumangga ang kanyang sinasakyang motorsiklo sa isang nakaparadang truck sa Binmaley sa nasabing lalawigan noong December 24 ng gabi.


Kinilala ang biktima na si Gilven Ferrer, 23, na namatay sa Bgy. Naguilayan sa nasabing bayan.


Sa imbestigasyon, sinabi ng truck helper na ang kanilang sasakyan nakaparada sa gilid ng kalsaba ng sumalpok ang biktima sa likod nito.


Sinabi ni Binmaley police operation commander Inspector Cesario Fernandez na ang dalawang panig ay may kanya-kanyang pananagutan sa insidente.


“Parang parehas na may pananagutan na kung saan itong Elf truck ay hindi properly parked doon sa shoulder ng road. At ito namang motorsiklo, syempre siya ang bumangga sa bahagi ng truck. Parang may kasalanan din siya,” ani Fernandez.


Ang pamilya ang biktima ay lubos na nagdadalamhati sapagkat patay na ang kanilang hinihinntay noong kanilang malaman ang insidente.


Ayon sa pulisya, nakainom ang biktima ng mangyari ang insidente. ALLAN BERGONIA


.. Continue: Remate.ph (source)



Rider, tigbak sa truck


No comments:

Post a Comment