IMINUNGKAHI ni Rehabilitation Czar Secretary Panfilo Lacson kay Pangulong Noynoy Aquino na gawing automatic ang release ng budget sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Naglaan ang gobyerno ng P80-bilyong pondo sa NDRRMC para sa 2015.
Ayon kay Lacson, sa ganitong paraan ay agad na may magagamit ang ahensya sa mga hindi inaasahang sakuna.
Batay sa kaugalian ng Department of Budget and Management (DBM) kapag nanghihingi ng pondo, dumadaan ito sa ilang endorsements bago ganap na maipalabas na nagiging dahilan kaya naantala o natatagalan sa panahon ng pangangailangan.
Sinabi ni Lacson na kapag ganito lagi ang sistema ay nagiging dahilan ito ng pagkakabalam ng mga proyekto at ang nasisisi ay ang pamahalaang Aquino. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment