ANG editor at ang inyong lingkod ay taos-pusong humihingi ng paumanhin kay SPO4 Edgardo M.Cayanga at sa kanyang mabuting kabiyak na si Maribeth B. Cayanga at sa kanyang buong pamilya sa aming pagkakalathala sa kanyang pangalan noong ika-24 ng Oktubre, 2011, mula sa isang text message na aking natanggap.
Ang nasabing text message ay walang katotohanan at isang paninira lamang kay SPO4 Cayanga at ito ay aking nailathala nang walang anomang personal na interes kung hindi patas na pamamahayag.
Sa aming pagkikita ni SPO4 Cayanga sa isang pagkakataon sa Nueva Ecija ay aming personal na napag-alaman na isang paninira lamang pala ang nasabing text message laban kay SPO4 Cayanga at siya ay aming lubos na nakilala bilang isa sa ipinagmamalaki ng Talavera Police Station ng Nueva Ecija.
Isang mabuti at tapat na alagad ng batas na sa kabila ng kanyang tapat na pagpapatupad ng batas sa nasasakupan ng Talavera Police Station ay hindi niya alintana kung sinoman ang lumabag sa batas.
Kahanga-hanga ang ipinamamalas at ipinakikitang pagseserbisyo sa bayan ni SPO4 Cayanga.
Sa katunayan, aming napag-alaman ang iba’t ibang karangalan sa paglilingkod sa bayan ang natanggap niya.
Kabilang dito ang mga sumusunod: 9 medalya ng Papuri, 1 medalya ng paglilingkod, 1 medalya ng Kagitingan, 1 PNP Badge of Honor, 2 Mil Merit medal at iba pang hindi mabilang na mga parangal sa kanyang serbisyo bilang isang tapat at isang matuwid na pulis.
Nito lamang Nobyembre, 2014 ay natanggap niya ang kanyang promotion bilang Senior Police Officer 4.
Isang pagsaludo at pagbati ang aming ipinararating kay SPO4 Edgardo M.Cayanga. Mabuhay po kayo!!
***
Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment