Thursday, December 25, 2014

Palasyo, dedma sa mga pahayag ni ex-Sec. Ona

DUMISTANSYA na ang Malacañang sa mga paliwanag ni dating Health Secretary Enrique Ona hinggil sa usapin ng mga biniling bakuna ng Department of Health (DOH).


Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio Coloma, kanilang iginagalang ang saloobin ni Ona at personal nitong pananaw sa kontrobersiyang idinulot ng mga biniling bakuna.


Patuloy pa rin bibigyan ng pagkakataon si Ona para ibigay ang panig sa mga usaping nagiging dahilan ng kaniyang pagkakaalis sa puwesto.


Hindi na rin magsasalita ang palasyo sa pahayag ng kalihim na maaabsuwelto ito sa ginagawang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI). JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Palasyo, dedma sa mga pahayag ni ex-Sec. Ona


No comments:

Post a Comment