Thursday, December 25, 2014

UST, patuloy ang paghahanda sa youth rally sa Papal visit

PUSPUSAN at nagpapatuloy ang ginagawang paghahanda ng pamunuan ng University of Santo Tomas (UST) sa pagbisita ng Santo Papa sa darating na Enero 2015.


Inaasahan kasi na aabot sa 20,000 kabataan ang dadalo para sa youth rally ng Santo Papa na gaganapin sa football grounds ng UST.


Ito umano’y bukas sa publiko kaya tiniyak din ng pamunuan na maging maayos ang nasabing okasyon.


Ayon kay Giovanna Fontanilla, director for UST Public Affairs, bagama’t kaliwa’t kanan ang seguridad na ibibigay ng gobyerno at kapulisan sa Papal Visit ay mayroon din aniya silang hiwalay na komite na siyang tututok sa seguridad ng Papa sa kanilang unibersidad.


Sinabi rin ni Fontanilla na mayroon ding nakatalaga sa physical arrangement, at mga nagsasanay sa mga student volunteers.


Dagdag pa ni Fontanilla, kung gaano naging puspusan ang kanilang paghahanda sa mga nagdaang papal visits sa UST, ay ganoon din naman ang kanilang effort ngayon.


“I assure you that the preparations are in place- meaning, we are working hard, prespiring, praying hard for inspiration, and I guess God will do the rest. Things are in place in UST. It’s always been the same commitment that we prepare fot the coming the Holy Father, just like in the prevous visits of other popes,” ani Fontanilla. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


.. Continue: Remate.ph (source)



UST, patuloy ang paghahanda sa youth rally sa Papal visit


No comments:

Post a Comment