Thursday, December 25, 2014

2015 budget, walang nilabag na batas – Malacañang

IGINIIT ng Malacañang na walang nilabag na batas ang nilagdaang pambansang budget para sa susunod na taon.


Ito’y sa harap ng pagkuwestyon sa Korte Suprema ni dating Iloilo Rep. Augusto Syjuco dahil sa paniniwalang unconstitutional o labag sa batas ang isinabatas na P2.6-trillion national budget.


Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio Coloma, isinasaalang-alang na ng ehekutibo ang mga proibisyon ng Saligang Batas at mga umiiral na batas sa bansa habang inihahanda pa lamang ang magiging pambansang pondo.


Ipinauubaya na lamang ng Palasyo sa hudikatura ang pagpapasya hinggil sa isinumiteng pagkuwestyon ni Syjuco sa isinabatas na budget dahil ang mahalaga aniya ay ang determinasyon na ipatupad ang mga mahahalagang programa at reporma tungo sa pagsulong ng bansa. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



2015 budget, walang nilabag na batas – Malacañang


No comments:

Post a Comment