Monday, December 1, 2014

Pagputol sa ulo ng bagong silang na sanggol, pinaiimbestigahan

PINAIIMBESTIGAHAN na ngayon ng health authorities ang insidente ng pagputol ng isang doktor sa ulo ng isang sanggol para sagipin ang buhay ng nanay nito sa Maguindanao town.


Ayon sa Health Secretary ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) na si Kadil Sinolinding, ipinasisiyasat na niya kung dapat panagutin sa insidente ang hindi pinangalanang doktor.


Naganap aniya ang insidente nitong nakaraang Nobyembre 29 sa delivery room ng Buluan District Hospital (BDH).


Bago ito, isinugod sa BDH ang isang ginang dahil manganganak na sa kanyang pang-anim na anak.


Ayon sa medical staff ng BDH, lingid sa ginang ay may dalawang araw na palang patay sa sinapupunan ang kanyang sanggol na anak.


Para iligtas ang pasyente, isine-caesarian ng naturang doktor ang ginang.


Pero sa hindi inaasahang pangyayari, bumara ang ulo ng sanggol sa puwerta ng pasyente kaya nagdesisyon na lamang ang doktor na putulin ang ulo nito para sagipin ang ginang sa tiyak na kapahamakan. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



Pagputol sa ulo ng bagong silang na sanggol, pinaiimbestigahan


No comments:

Post a Comment