NATAGPUAN ang bangkay ng isang bagong silang na sanggol na iniwan lamang sa kalsada, sa isang subdibisyon sa Davao City.
Natagpuan ng mga residente ng Doña Pilar subd. sa Davao City ang naturang sanggol na nakasilid lamang sa isang karton.
Agad na ipinagbigay-alam ng mga residente sa pulisya ang kanilang natuklasan kung saan base sa isinagawang inisyal na imbestigasyon, isang babae ang sanggol na hindi pa napuputulan ng pusod.
Ayon pa sa pulisya, may mga kagat ng insekto ang katawan ng sanggol at kasalukuyan nilang inaalam kung sino ang nag-iwan dito.
“Kung sino ang mga nabuntis sa lugar, ‘yun siguro ang una nating tutukuyin kung sino ang mga buntis doon sa lugar na dahil posibleng siya ang nagtapon ng sanggol. Wala talaga siyang kwenta, nakakaawa ang sanggol,” ayon kay Sasa police deputy officer Inspector Rose Birondo. MARJORIE DACORO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment