BINMALEY, PANGASINAN – Matapos tumangging ipaarkila ang tricycle, isang ginang ang namatay matapos pagtatagain ng isang barangay kagawad kahapon ng hapon (December 1) sa Binmaley sa nasabing lalawigan.
Kinilala ng Binmaley police ang biktimang si Bernalyn Soriano, ng Bgy. Caloocan Sur ng nasabing bayan.
Samantala, ang suspek na naaresto ay kinilalang si Eduardo Villanueva, kagawad ng nasabing barangay.
Sa imbestigasyon, bago maganap ang insidente, inaarkila umano ng suspek ang tricycle ng biktima ngunit hindi pumayag ito.
Umalis ang suspek na galit at nang pagbalik nito’y may hawak nang itak saka pinagtataga si Soriano na namatay habang ginagamot dahil sa malalim na pinsala sa ulo.
Sasampahan ng kaukulang kaso ang suspek na nakakulong ngayon sa Binmaley detention cell. ALLAN BERGONIA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment