EXCITED na ang groom to be na si Dingdong Dantes sa back-to-back big selebrasyon sa kanyang buhay. Una, ang nalalapit niyang kasal sa actress na si Marian Rivera on Dec. 30 bago maghiwalay ang taon 2014 at ang pangalawa ang pelikula niyang “Kubot” na entry for Metro Manila Film Festival. Sa panayam kay Dingdong sa programang Startalk ng Kapuso network, sinabi niya na ready na siya for his new life, kaya bungad ng tanong sa kanya ng host na si Lolit Solis (Isa sa magiging ninang sa kasal niya), “Kapag nasa buhay may asawa ka na, ano ang mami-miss mo sa buhay binata? “Ah..well, sa tingin ko po ay nagampanan ko na nang husto at nasagad na ang pagkabinata ko pagkakataon na to be a settled down,” sagot ng aktor.
Sa pangalawang tanong ni Manay Lolits sa actor kung ano nga ba ang “weird” na ugali niya na dapat malaman o bantayan ni Marian kapag mag-asawa na sila?
“Ahhh…’yung mag-a-alarm ako ng 20 times, so hindi lang isang beses ‘yan, may gap pa ‘yan in every 2 minutes kasi nag-a-alarm ‘yan kaya talagang magigising ang katabi ko, Kaya maiinis talaga siya!” sey pa niya.
Nang tanungin naman siya kung meron ba siyang dapat baguhin na “Weird” na ugali naman ni Marian, sagot ng actor, “Para sa akin po wala akong dapat baguhin sa kanya, gusto ko siyang tanggapin at wala po akong dapat baguhin sa kanya!”
Kaya sa mga oras na ito wala na raw mahihiling pa ang actor kasi 100% ready na siya sa buhay may asawa. Samantala, excited na rin siya sa nalalapit na showing ngayong kapaskuhan ng pelikula niyang “Kubot”. Kwento pa ng nito, dapat huwag daw nilang palalampasin ang nasabing pelikula dahil hindi raw nila pagsisihan, napakaganda raw nito na pinagsama horor, comedy at action ang. ‘Yun nah!
***
Kamakailan lang nakatsikahan namin ang dating beauty queen-actress na si Alma Concepcion. Matagal ding nawala sa industriya ng showbiz si Alma dahil nagkaroon siya ng anak sa isang businessman kaya tinalikuaran niya pansamatala ang showbiz, ngunit kasabay ng pagkawala niya sa showbiz lingid sa ating kaalaman ay nagpatuloy siya ng pagaaral sa pangalawang pagkakataon, kumuha siya ng kursong Interior Design sa UP Diliman at muntik ng maging cum laude sa kurso niya.
Sa ngayon, kahit hindi pa rin tuluyang nagbabalik showbiz si Alma, busy naman daw siya sa kanyang own business, ang interior designing, and takenote with licence na siya dahil kapapasa lang daw niya sa board nitong October kaya ready na siya sa mga nais magpa design. Nang tanungin namin siya kung ano ang advantage at disadvantage niya bilang actress-beauty queen para sa kanyang bagong mundo.
“I think ‘yung advantage diyan, syempre yung kahit paano kilala ka pa rin nila, kaya may tiwala sa’yo magpagawa.” Yung disadvantge d’yan, I think ‘yung mas may pressure in terms of design. Hehehe! Parang ganun lang!” sey niya.
Ngayon may sarili na siyang business at busy na siya rito, tatanggap ba siya ng mga commitments sa showbiz? “Oo naman, open naman ako pagdating sa larangan ng pag-arte, alam naman ng tao na first love ko talaga ang pag-arte. Basta maayos lang ang sched walang problema sa akin, go ako sa mga projects sa Showbiz!” sabi pa niya.
Ngayon succesful na si Alma sa kanyang multi career as a Business woman, kumusta naman ang kanyang lovelife? “Sa ngayon wala e, kasi may guardiya sibil ako, ang aking anak. Hahaha. But, I’m dating with someone pero hanggang dun lang muna kasi busy din naman ako, baka hindi ko rin siya maharap,” deklara pa niya. SABEEE!/THROY J. CATAN
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment