DAHIL sa paglabag sa Republic Act 7438 o rights of persons arrested, kakasuhan ng grupo ng mga abogado si Department of Justice (DoJ) secretary Leila de Lima kaugnay sa visitation rights ng mga Bilibid detainees.
Inakusahan nina Atty. Ferdinand Topacio, Atty. Paul Laguitan at Atty. Andres Manuel si De Lima na lumalabag sa republic act 7438 o rights of persons arrested matapos na sila ay pinagbawalan na dalawin ang kanilang mga klyente na sina Amin Boratong, Noel Martinez, Willy Sy at Michael Ong Chan mula ng inilipat sila sa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI).
Ayon pa sa mga ito, hindi nila nakita ang kanilang kliyente sa loob ng 11 araw at kinikwestion nila ang paglipat sa mga inmates sa NBI dahil hindi naman ito ang tamang lugar.
Sinabi na naman ni Atty. Topacio na dapat isinali na inilipat si JB Sebastian na nauna ng nagkaroon ng concert. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment