Friday, December 26, 2014

Amerikano tigok, misis kritikal sa aksidente

PATAY ang isang American mational nang suwagin ang puno ang sinasakyang kotse sa Bgy. Pacol, Naga City.


Namatay noon din sa pinangyarihan ang biktimang si Andrew Evan, 43.


Ayon kay PO2 Aristedez Cureg, binabaybay umano ni Evan ang kahabaan ng daan lulan ng kanyang kotse kasama ang asawang si Cecila Mendoza nang mag-overtake ito sa isa pang kotse.


Subalit dahil madulas ang kalsada dala ng pag-ulan, nawala sa direksyon ang sasakyan ng biktima at sumalpok sa puno ng mangga.


Sa lakas ng pagsalpok, naipit si Evan sa driver seat kaya natagalan bago siya na-rescue.


Nang maitakbo sa ospital ay idineklara siyang dead-on-arrival habang nagkaroon ng malalang sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang kanyang asawa at nagkaroon pa ng fracture sa kaliwang baywang.


Bagama’t mababa ang kaso ng mga firecrackers-related injury ngayong holiday season, ikinalungkot naman ng pamunuan ng Bicol Medical Center ang tila sunod-sunod na aksidente sa kalsada mula pa noong Disyembre 24 at tatlo na ang namatay habang mahigit lima naman ang seryosong nasugatan. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Amerikano tigok, misis kritikal sa aksidente


No comments:

Post a Comment