Monday, December 1, 2014

Batang Pier inangklahan ang Ginebra

NAKABUENA-MANONG panalo ang interim coach ng GlobalPort Batang Pier na si Eric Gonzales sa kanyang debut game matapos languin ang Barangay Ginebra, 98-77, kagabi sa PBA Philippine Cup SMART-Araneta Coliseum.


Bumira si Terrence Romeo ng 25 puntos mula sa 9-of-13 sa shooting upang ilista ang 5-5 win-loss card ng Batang Pier at upuan ang pang-pitong puwesto sa team standings.


Nagsumite si rookie Anthony Semerad ng 17 points, 12 ay galing sa second half habang si point guard Alex Cabagnot ay bumakas ng 15 points, six rebounds at five assists para sa GlobalPort.


Hindi naman sumapat ang ipinakitang tikas ni 7-foot-1 center Greg Slaughter na may kinanang 21 points at 15 rebounds para sa Ginebra kaya nalasap nila ang pang-apat na kabiguan sa siyam na laro.


May double-double rin si Japeth Aguilar matapos magtala ng 14 markers at 10 boards pero yumuko pa rin ang Gin Kings para matikman ang three-game skid.


Nagpakitang gilas ang GlobalPort sa kanilang bagong coach kung saan ay dinomina agad nila ang laro sa firt half.


Naungusan ng Batang Pier ang Kings, 24-16, sa first quarter at 28-15 sa second para itarak ang 21 puntos na kalamangan, 52-31, sa half-time break.


Kumonekta ang Batang Pier ng anim na three-pointers kasama ang lima sa second quarter.


“Nakikita naming mahaba ang minutes ng ibang mga players and we wanted to keep the team fresh,” ani Gonzales.


May 18-for-39 sa field (46.2%) ang GlobalPort habang ang Ginebra ay nagtala lang ng 9-for-37 (24.3%).


Tumipa si Romeo ng 13 pts. sa unang dalawang quarters habang si Cabagnot ay may nine points.


Pinutakte ng kamalasan ang twin towers ng Ginebra na sina Slaughter at Aguilar dahil may pinagsamang 0-for-7 sa field sila sa first half, na ang lahat ng puntos ay galing sa free throw line.


Medyo gumanda ang laro ni Slaughter sa third canto nang umiskor ito ng 11 points mula sa 4-for-6 sa shooting at 3-for-6 sa free throw line pero kontrolado pa rin ng batang Pier ang laban dahil hawak nila ang 18-point lead papasok sa fourth quarter.


Tumikada ng dalawang sunod na baskets ang Ginebra para ibaba sa 14 puntos ang hinahabol subalit umiskor sa drive si Keith Jensen at si Cabagnot sa three-pointer para sa 96-77 abante ng GlobalPort may 1:18 minuto na lang sa laban.


Sa pangalawang laro, pinintahan ng Rain or Shine Elasto Painters ang defending champion Purefoods Star Hotshots, 83-74, upang solohin ang ikatlong puwesto at mapalakas ang asam na makasampa sa top two pagkatapos ng elimination round.


Hinawakan ng Star Hotshots ang first period, 17-16, subalit inagaw ng Elasto Painters ang manibela sa halftime, 32-38.


Tangan ng E-Painters ang 7-2 panalo-talo karta habang 5-4 sa Purefoods. ELECH DAWA


.. Continue: Remate.ph (source)



Batang Pier inangklahan ang Ginebra


No comments:

Post a Comment