MARAMI na ang bumabatikos dito sa pambansang Kamao na si Congressman Manny Pacquiao sa kanyang mga pagliliban sa kanyang opisina sa Congress. Merong nagsasabing mag-resign na lang siya. Kaya nga raw tinawag na “Representative” dahil siya ang nagre-represent ng kanyang distrito.
Umalma rin ang kanyang mga kababayan, hindi raw lisensya ang pagiging kampeon nito sa boksing upang dumalas ang pagliliban nito sa kanyang trabaho bilang representante. May nagsasabing mag-focus na lamang siya sa sports kung saan siya magaling.
Imagine mo nga naman, meron siyang hinahawakan na mga basketball players bilang coach at the same time player din siya, and now, ito ang bagong balita, mag-aabsent siya sa susunod na buwan (Enero) dahil tutungo uli siya sa Amerika hindi para mag-boksing kundi bilang isa sa mga Judge ng Miss Universe Beauty Pageant 2015 na gaganapin sa Miami Beach, Florida the original home of Miss Universe Pageant.
Mismong si Freddie Roach ang nagkumpirma nitong kanyang alaga na pagiging hurado sa beauty contest at sana mabigyan niya ng malaking puntos ang kanyang kababayan, ang ating bet na si Mary Jane Lastimosa na taga-Cotabato.
-0-
Maraming naaawa at nagtataasan ng kilay kapag nakikita nila ang mga pictures na naka-post sa internet ang romansahan nina Aiza Seguerra at ang kanyang not so brand new misis na si Liza. Abaw gid, hayaan na lang natin ang dalawang nagmamahalan. Wala tayong karapatan na humusga sa dalawang taong maligaya sa kanilang ginagawa. Hindi naman siguro krimen ang magpakasal sa kapwa babae o kapwa lalaki. Mismong Mayor ng Quezon City na si Herbert ay game rin siyang magkasal.
Sa pagbalik daw nina Aiza at Liza galing sa Honeymoon ay magpapakasal uli raw ang dalawa dito sa Pilipinas. Ang tanong ng madlang people, legal daw ba ito rito sa atin? Well, antayin na lang natin kung ano ang mangyayari. MEMORABILIA/MATUK ASTORGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment