Thursday, December 25, 2014

5 bahay, nasunog sa Makati

NATUPOK ng apoy ang limang bahay sa Makati kahapon ng madaling-araw, araw ng Pasko.


Ayon kay Makati Fire Marshall Supt. Ricardo Perdigon, alas-2:25 ng Huwebes ng madaling-araw nang mag-umpisa ang sunog at dahil dikit-dikit ang mga bahay ay mabilis na kumalat ang apoy.


Agad iniakyat sa ikatlong alarma ang sunog sa West Rembo ng naturang lungsod.


Sa pagresponde ng mga bumbero, alas-3:05 ng madaling-araw ideneklarang fireout ang apoy.


Sinasabing nag-umpisa sa bahay ng isang Gloria Calimag sa Balagtas St., Bgy. West Rembo ang sunog.


Inaalam pa ang sanhi nito at kung magkano ang halaga ng napinsalang ari-arian.


Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



5 bahay, nasunog sa Makati


No comments:

Post a Comment