Thursday, December 25, 2014

Noon pa, Richard Yap at Vice Ganda may plano nang magsama

UNANG beses pa lang na sumalang ni Richard Yap sa comedy sa pelikulang Praybet Benjamin 2. At first time rin niyang makasama ang ubod ng galing sa pagpapatawa na si Vice Ganda.


“It was very nice. There’s a lot of fun,” aniya.


“We had a lot of fun sa set kasi puro komedyante ang kasama ko. It’s something that I will be willing to do again.”


Dapat sana ay kasama ni Richard si Vice sa nasabing press conference. Pero hindi ito nakarating.


May dinadamdam ngayon ang komedyante kaugnay ng pagkakasakit ng kanyang lolo. Pero hindi raw hinayaan ng TV host-comedian na makaapekto ito sa kanya sa panahong sinu-shoot ang Praybeyt Benjamin 2.


“Vice is very professional. Pagdating niya sa set wala siyang ano… kapag nasa set siya at trabaho, trabaho talaga.


“I know that he was going through something. Kasi ‘yong lolo niya nasa hospital.


“But hindi niya masyadong mini-mention. I think ayaw niyang maging sad ang mga tao.”


Batikan na si Vice pagdating sa comedy. How was it pagdating sa mga punch lines sa mga eksena nila?


Was it difficult for him na na makipagsabayan kay Vice at sa iba pang cast ng pelikula gaya ni Alex Gonzaga na natural na komedyante rin?


“Well, a… hindi naman difficult. I had to catch up with them.


“Pero I think meron naman akong konting nai-contribute rin. Marami akong ginawa dito na hindi ko pa nagawa sa ibang projects ko rati.”


It’s his first time also to work with Direk Wenn Deramas. How was it as compred to the other directors na nakatrabaho niya before?


“He’s very fast. Not only in terms of shooting time but he’s also very fast in coming out with the script.


“So we also had to be very fast to be able to keep up with him.”


May mga natutunan ba siya kay Direk Wenn na tumatak sa kanya?


“Meron naman. Like ‘yong mga comic timing at saka ‘yong how he works, ‘yong gano’n.


“You really have to keep up. Mabilis siyang magtrabaho kasi.


“So you really have to be very quick also with the ano…especially when you memorize lines. Kasi on the set na kami nagkaroon ng script.”


When the role was offered to him, what was his initial feeling or reaction?


“Ito kasing movie na ito, nag-usap na kami dati ni Vice na we are going to do a movie together. But iba ‘yong plano.


“It was another movie that we are talking about. May ibang idea siya sa gagawin naming movie.


“And then hindi pa natuloy ‘yon. Because we were supposed to do Be Careful With My Heart: The Movie last year.


“Since hindi natuloy ‘yon, this year nag-usap kami na sabi niya… gagawa ako ng MMFF movie, why don’t we get together and let’s do this together?


“And I said… sige. Okey ako kaagad kasi meron naman talaga kaming plano to do a movie.”


Kahit alam niyang comedy ang tema ng pelikula na hindi pa niya nagawa before, hindi na siya nagkaroon ng anomang apprehension?


“Well… konting ano lang. Not really apprehensive about it.


“Kasi alam ko naming aalalayan naman nila ako.”


Kumusta naman si Bimby na gumaganap ngang anak niya?


“He’s a very nice kid. Very respectful, very ano… he was very professional also.


“Kung ano ang sinabi ni Direk, ginagawa na rin niya kaagad. So it was a very nice expeience working with Bimby.


“Siya ‘yong parang baby sa set.”


Si Vice, nagulat daw na komedyante rin pala siya. Ang takot nga raw ni Vice, baka kapag ipinalabas na ang pelikula ay baka mas nakatatawa pa nga raw si Richard kesa sa kanya.


“”Hindi naman siguro,” reaksyon ng aktor. “Meron lang siguro akong na-contribute na mga scenes na medyo nagpapatawa rin ako.


“But all in all I think si Vice pa rin ang ano… diyan, ang King of comedy diyan.” RUB IT IN/RUBEN MARASIGAN


.. Continue: Remate.ph (source)



Noon pa, Richard Yap at Vice Ganda may plano nang magsama


No comments:

Post a Comment