Tuesday, December 2, 2014

P100,000

ISANG traffic enforcer ang nabugbog, nag-anunsyo si MMDA Chairman Francis Tolentino na magbibigay siya ng P100,000 para sa makapagbibigay ng impormasyon sa may-ari ng magarang sasakyan na nambugbog sa traffic enforcer.


Maraming nag-react. Sabi ni Ted Failon, kanino umano manggagaling ang perang gagamitin ni Chairman Tolentino? Personal ba niya itong pera galing sa sarili niyang bulsa o taxpayers money galing sa kaban ng bayan?


Ang mga suggestion na ating nakalap at atin din namang sinusoportahan ay ibigay na lang ang P100,000 sa traffic enforcer na binugbog.


Una na-identify naman na ang may-ari ng magarang sasakyan, hindi na kailangan ng malaking halaga para matunton pa ng awtoridad kung nasaan siya.


Pangalawa, ‘di ba mas kailangan noong enforcer na nabugbog ang pera para makapagpagamot at para hindi siya magpaareglo sa taong nanakit sa kanya?


Sa ibang bansa tulad ng Amerika, malaking kasalanan sa batas ang lumaban at manakit ng awtoridad, lalo kung ginagawa nito ang tungkulin bilang kawani ng gobyerno.


Maiuugnay natin ito sa traffic enforcer din na pinarangalan dahil sa nagtitinda ng kakanin habang nagtatrabaho.


Ang masakit, may mga nagsumbong na ang enforcer na nagtitinda ng kakanin ay ginamit daw ang kapangyarihan para mabenta ang kanyang inilalako.

Labag sa batas ito.


Samantala, ang nabugbog na traffic enforcer ay nalagay sa alanganin sa pagtupad ng kanyang tungkulin.


Isipin na lang, alam ng nasabing enforcer na makapangyarihan ang kanyang hinuhuli dahil sa magara nitong sasakyan pero hindi siya nangimi na ipatupad ang batas.


Nakita natin kung papaano siya nasaktan, hindi ba dapat lang na ipakita natin sa kanya bilang mamamayan na handa tayong protektahan at bigyan ng papuri ang mga tulad niyang empleyado na minsan ay nalalagay sa alanganin ang kaligtasan?


Marami ang sang-ayon na ibigay na lang ni Chairman Tolentino ang kanyang P100,000 sa nabugbog na traffic enforcer bilang pagkilala sa nagawa nito.


***

Mag-email ng inyong reaksyon sa ariel.inton@gmail.com or text sa 09178295982 o 09235388984. SIBOL/ATTY. ARIEL ENRILE-INTON


.. Continue: Remate.ph (source)



P100,000


No comments:

Post a Comment