Tuesday, December 2, 2014

‘DI NA BUO ANG NP

MUKHANG magkakawatak-watak ang Nacionalista Party (NP) sa darating na 2016 election.


Ito ang nakikita nating scenario sa ngayon matapos makita natin ang pagpanig at pagkiling ng dalawang NP member na sina Antonio Trillanes at Alan Cayetano sa Liberal Party ni Mar Roxas.


Malinaw sa ginawang paggiba kay Vice-President Jojo Binay na mayroong unawaan sina Trillanes, Cayetano at mga bataan ni Roxas kagaya ni Cong. Egay Erice ng Caloocan.


Kitang-kita rin ang unawaan nina Trillanes, Cayetano at Roxas kaya’t masasabi natin sa ngayon pa lamang ay mukhang patungo na sa pagsasanib ang dalawang senador sa grupo ni Mang Mar.


Samantalang si Senador Bongbong Marcos naman ay nagsosolo sa pagbangga kay Roxas matapos nitong sabihin na mali ang paglalagay ng pondo na P12.9-bilyon sa DILG para sa housing at patubig sa iba’t ibang parte ng bansa.


Obvious din sa ginawang pagsita ni Marcos na hindi siya patungo sa pakikipag-alyansa sa LP dahil mukhang lahat ng kanyang ikikilos ay haharangin pa rin ni PNoy kaya tama lamang ang kanyang ginagawa na manatiling kritiko ng ruling party na LP.


Maging ang isa sa mga tagapagsalita ni Binay na si Cavite Gov. Johnvic Remulla ay miyembro ng NP pero ang Pangalawang Pangulo naman ang pinagtatanggol nito.


Sa panig naman ni dating Senador Manny Villar ay mukhang nanonood lamang ang dating mambabatas dahil alam niya na ang takbo ng politika sa bansa matapos siyang matalo noong 2010.


Sa maikling salita, walang solidong paksyon ang NP sa 2016 gaya ng ginagawa ngayon ng Nationalist People’s Coalition (NPC) ni Danding Cojuangco na kung saan nagkakanya ng taya ang kanyang mga miyembro.


‘Yan ngayon ang ibinunga ng pagtatanggal ng 2 party system sa bansa dahil kasabay nito ang pagkawala ng prinsipyo ng lahat ng partido sa ating estado. ALINGAWNGAW/ALVIN FELICIANO


.. Continue: Remate.ph (source)



‘DI NA BUO ANG NP


No comments:

Post a Comment