Tuesday, December 2, 2014

INGAY SA SENADO, UNGOL SA KAMARA

RESOLUSYON ang sagot ni Senadora Miriam Defensor-Santiago laban sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa pagitan ng Republika ng Pilipinas at gobyerno ng Amerika. Galit ang ale dahil sa sagot ng Defense Department ni Voltaire Gazmin at Foreign Affairs ni Alberto Del Rosario.


Aba, sino nga ba ang matutuwa sa sagot ng DND at DFA sa tanong ni Senadora Santiago na chairman ng foreign relations committee sa senado, “Kung sakaling giyerahin tayo ng China o sinoman na dayuhan, handa ba ang Amerika ng ipagtanggol tayo base sa EDCA…?”


Nautal, mga Kaka, ang DFA at DND! Ewan daw. Hindi raw sila sigurado!

Solusyon, IBASURA ang EDCA!


NAGYABANG naman si Senador Ralph Recto na bibigyan na raw nila ng ayuda ang mga dear teacher natin sa halagang P1,500 kada buwan. Pero ang allowance ay para sa “chalk” o tisa na pansulat sa blackboards!


Ang yabang ni Recto, ha. Kung ‘yung halaga ay para sa chalk allowance lang pala, ano ang maitutulong nito sa mga guro na mababa ang suweldo?


Dahil sa maruming burukrasya na pamamahala, hindi pwedeng gamitin ni Dear Teacher and anomang bahagi ng P1,500 para pambili ng softdrinks kapag nauhaw si Great Teacher, or else, kulong siya sa kasong “malversation of public funds!” Right, Senator Ralph?


BINANATAN naman sa Kamara ang kuwestyunableng “SINGIT NI BUTCH” na mga supplemental budget ng Malacañang. Maliban sa 300 pahina na SINGIT NI BUTCH o ERRATA raw, humirit pa uli sila ng pondo para sa mga biktima ng Yolanda at LRT repairs and rehabilitation.


Pagdating sa Senado, nag-ingay uli si Senadora Miriam na walang duda raw na tadtad ng PORK BARREL ang 2015 National Budget na gawa ni “Boy Singit.” Alam ni Abad na bawal pero sabi nga, MASARAP ANG BAWAL, tama ba, teacher Butch?


Kumana rin si Senador Chiz Escudero na kesyo kinuwestyon pa ang naunang pondo sa rehabilitasyon daw sa Leyte kung papaano naubos kaya hirit si Boy Singit. Wala na, hanggang doon na lang ang INGAY NG SENADO AT UNGOL NG KONGRESO. Na-deliver na ba ang mga gusto nila? Ang aking pamasko!


Habang nagkakagulo ang Kongreso at Senado, bakit ang dating palaban at matapang na si dating Senador Panfilo Lacson na iniupo bilang reconstruction and rehabilitation czar ay super tameme ngayon?


Alam ko na alam niya ang batbat at mala-bundok na korapsyon pero tila ba wala lang.


I can’t imagine, ‘yung kailangan niyang pondo ay ilalagay sa bulsa ni Interior secretary Mar Roxas in aid of 2016 election? BALETODO/ED VERZOLA


.. Continue: Remate.ph (source)



INGAY SA SENADO, UNGOL SA KAMARA


No comments:

Post a Comment