SINALUBONG ang mga motorista ngayong ikalawang araw ng Disyembre ng panibagong kaltas-presyo sa produktong petrolyo.
Nabatid na alas-12:01 ng madaling-araw nang nag-rollback ang Shell, Petron, Caltex at Seaoil ng P0.50 sa kada litro ng diesel bukod pa sa P0.75 sa kada litro ng kerosene.
Tanging P0.50 kada litrong rollback naman sa diesel ang ipinatupad ng PTT Philippines.
Alas-6:00 naman ng umaga nang sunod na nagbawas-presyo ang Phoenix Petroleum ng P0.50 sa kada litro ng diesel habang wala namang paggalaw sa presyo ng gasolina.
Ang lokal na bawas-presyo ay bunsod na rin ng pababang presyuhan ng petrolyo sa pandaigdigang merkado. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment