TINATAYANG umabot na sa 497,000 o halos kalahating milyong katao ang na-diagnosed na may Human Immunodeficiency Virus (HIV) – Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS) sa China mula ng maitala ang unang kaso doon noong 1985.
Ito’y ayon sa tala ng National Health and Family Planning Commission sa China noong katapusan ng Oktubre.
Kaugnay nito, nanawagan ang World Health Organization (WHO) sa China Government na umaksyon sa lumalaking bilang ng mga Tsinong nagkakasakit nito.
Ayon kay Bernhard Schwartlaender, kinatawan ng WHO sa China, dapat doblehin ang ginagawang hakbang ng nasabing bansa para tulungan ang mga may HIV-AIDS at maiwasan ang patuloy na pagkalat nito.
Pinangangambahang lolobo pa ang bilang ng mga Chinese na maitatalang may AIDS dahil marami pa ang hindi nada-diagnosed.
Kaugnay nito, iminumungkahi naman ng Philippine National Aids Council (PNAC) na palakasin ang information campaign kontra AIDS, at isama na ito sa curriculum ng mga estudyante. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment