NAWAWALA pa ang 35 Indonesian, 13 Pilipino, 11 South Korean at isang Russian inspector sa lumubog na fishing vessel sa South Korea.
Pinangangambahang patay na ang 50 katao sa lumubog na barkong 501 Oryong, isang fishing vessel na may habang 326 ft.
Ayon kay U.S. Coast Guard petty officer 1st class Shawn Eggert, matataas na alon ang dahilan kung bakit lumubog ang naturang barko.
Maswerte namang nailigtas sa pamamagitan ng limang Russian fishing vessels ang pitong crew members habang ang isa’y patay na nang matagpuan.
Ayon sa Russian authorities, 62 lahat ang lulan ng nasabing barko na lumubog sa kanlurang bahagi ng Bering Sea malapit sa Russia.
Nasa ligtas nang kalagayan ang pitong crew na kasalukuyan pang ginagamot.
Samantala, naniniwala pa rin ang mga kaanak ng 13 Pinoy na kasama sa lumubog na barko na buhay at matatagpuan pa ang mga ito. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment