KAWAWA ang aktor na dating pabolosa. Kahit paubos na ang kanyang pera, panay pa rin ang bigay niya ng relief goods sa kanyang constituents. Hindi niya pinahahalatang nahihirapan na siya.
Nakatatawang nakaaawa nga itong aktor dahil ‘yong businessman na rati’y pumipila sa kanya kapag may mga proyekto itong itinatayo sa kanyang nasasakupan para lamang aprubahan niya, ngayon ay ang una naman ang nakapila sa opisina nito para maghintay siyang kausapin but to no avail. Pumunta raw kasi itong mabait at mapagbigay na aktor sa naturang negosyante para mangutang ng ilang milyon pero tila binawian siya nito at hindi siya nilabas kahit ilang oras na siyang naghintay. Bumalik daw uli ang bida natin, pinapasok naman siya sa office pero hindi siya napagbigyan sa kanyang hinihiram.
Ang aktor ay nawalan nang konek sa sugal na buwang-buwang nagbibigay sa kanya ng biyaya matapos na mawala siya sa puwesto.
***
KATHRYN BERNARDO, ISASAKRIPISYO ANG SARILI
Wagas na pagmamahal para sa mga magulang ang iiwang aral ng Teen Queen na si Kathryn Bernardo sa viewers bago matapos ang 2014 sa “Puppy Ever After” finale ng “Wansapanataym Presents Puppy ko si Papi” ngayong Linggo (Disyembre 28).
Sa pagdating ng takdang oras na ibinigay sa kanila, isasakripisyo ni Iris (Kathryn) ang kanyang sarili at hihilingin na sa kanya na lamang mapunta ang sumpa na naibigay niya sa kanyang ama na si Douglas (Dominic Ochoa).
Ano ang gagawin ni Iris sa oras na mapunta na sa kanya ang parusa at tuluyan na siyang maging isang aso? Ang matibay na samahan at pagmamahalan ba ng mag-ama ang magiging susi upang maialis na ang sumpa? Sa huli, matututunan na ba ni Iris na pahalagahan ang pagmamahal at pagprotekta ng kanyang tatay para sa kanila ng kanyang kapatid?
Tampok din sa “Wansapanataym Presents Puppy ko si Papi” sina Khalil Ramos, Marlann Flores, Chienna Filomena, Apollo Abraham, John Steven de Guzman, at John Lapus. Ito’y sa ilalim ng panulat ni Yam Tanangco Domingo at direksyon ni Don Cuaresma.
Ang original story book ng batang Pinoy na “Wansapanataym” ay sa ilalim ng produksyon ng Dreamscape Entertainment Television, ang grupong may likha ng mga de-kalibre at top-rating TV masterpiece gaya ng “Walang Hanggan,” “Ina, Kapatid, Anak,” “Juan dela Cruz,” at “Ikaw Lamang.”
***
RICHARD YAP AT JODI STA. MARIA, HINANGAAN NG MGA VIETNAMESE
Pinarangalan bilang Best Foreign Drama Series ng Face of the Year Award 2014 sa Vietnam ang longest-running daytime drama series ng Pilipinas na “Be Careful With My Heart.” Ang award ay napanalunan ng programa sa pamamagitan ng public votes at inanunsyo ito nitong Lunes (Disyembre 22).
Sa labis na pagmamahal sa “Be Careful With My Heart” o Trái Tim Bé B?ng para sa mga Vietnamese, ay kinilala rin ang natatanging pagganap sa serye nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap bilang ang mag-sweethearts na sina Maya at Ser Chief. Pinakabinoto ng Vietnamese viewers si Jodi bilang Best Foreign Actress at si Richard bilang Best Foreign Actor. Kapwa dumalo sa pagdiriwang sina Jodi at Richard upang tanggapin ang kanilang awards.
Ang Face of the Year Awards ay ino-organisa ng Today TV na isa sa pinakamalaking Vietnamese television networks na nagpapalabas ng mga Filipino teleserye.
Bago makamit ang Face of the Year Awards sa Vietnam ay kinilala na rin sa Amerika ang natatanging ganda ng “Be Careful With My Heart.” Naging finalist ito sa Telenovelas category sa 2013 New York Festivals International Television and Film Awards.
For comment, suggestion & news feed, text me at #09234703506/#09074582883 or email at kuya_abepaul@yahoo.com. Please listen to DWIZ’s Star na Star program from 1:30-2:30 p.m, Monday to Friday. Mabalos! PAPAK!/ABE PAULITE
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment